Kabanata 53

10.2K 247 90
                                    

Kabanata 53, Closure

Hindi ko alam kung anong oras kaming nakabalik kagabi. Basta sumabay lang kami kila Devon na maglibot. Halata kong badtrip si Carlos pero hindi ko na ito in-open up. Hindi ko na rin nakita pa si Caspian pagbalik namin.

Siguro'y nagpapahinga na siya noong oras na iyon. Noong bumalik kami'y hinatid na lamang ako ni Carlos sa kwarto. Mabilis kong sinabing pagod na ako upang hindi na siya mag-aya pa. I felt bad but I really am tired.

"Weird ba tignan iyong tiyan ko ngayon?" Tanong sa akin ni Ponnie habang tinitignan sa salamin ang kanyang tiyan.

Umiling ako. We'll do the photoshoot in 15 minutes. Inayusan na kami ngunit si Ponnie ay hindi pa rin mapanatag.

"Naparami ata ang kain ko kanina, nararamdaman kong bloated ako." Paranoid niyang saad at bumaling sa akin. Hindi ako sumagot dahil para sa akin ay ayos lang naman ito at hindi masagwa tignan.

"Ang ganda ng boobs mo ano?" Titig niya sa aking dibdib. Bahagyang uminit ang aking pisngi at umiling. "Humble pa! Ang ganda nga! Bilog na bilog... anong tawag doon? Full breast?"

Suminghap ako at sinenyasan siyang tumahimik. Goodness! Hindi naman ito ang unang beses na may pumansin sa dibdib ko pero nakakahiya!

Tumawa siya at hindi ko na lamang siya pinansin para tumigil. Maayos akong umupo at pinanood ang iba.

Si Ponnie ay naka-itim na one shoulder bikini. Si Devon ay naka-backless na one piece, kulay asul ito. Ang iba ay dilaw, berde, at ako.

Pulang bandeaukini. Sa gitna ng aking dibdib ay niri-ribbon kaya medyo inayos ko ang pagkakatali dahil baka kung maluwag ay bigla na lamang matanggal.

Nagpahinga ako ng ilang sandali. May mga lalaki rin pero hindi ko sila sobrang close. May ibang shorts ang pinapakita, may sando, at polo.

"Let's go na!" Ani Ponnie ng makitang sumenyas na si sir Kyle na dapat na kaming lumabas. Mabilis akong tumayo bago hinawi ang aking buhok.

Ginawa nila iyong beach curls, bagsak ang natural kong buhok kaya nanibago ako sa aking mukha. Para akong nag-mature.

Nilakad namin ang daan palabas at doon ko lamang naramdaman ang init. Sa loob ng kwarto'y may aircon para hindi kami maghulas.

"First set muna tayo." Ani cameraman ng makita kami.

Inayos nila ang reflectors at may ibang babaeng sumalubong sa amin upang muling pasadahan ng retouch.

Saglit lamang iyon bago kami miniwestra sa aming pupwestuhan.

Nilagay ko lahat ng aking buhok sa aking balikat upang matakpan ang aking peklat doon. Kaya hindi ako nagpapa-picture ng nakatalikod.

Ang sabi nila'y okay lang daw dahil pwede naman iyong i-edit. But still...

"Keira, dito ka sa kanan." Ani cameraman sabay muwestra sa isa pa naming kasama.

"Compress kayo..." tinuruan kami ng mga dapat naming gawin.

Si Devon ang nasa pinaka gitna. Lima kaming mga babae. Nasa kaliwa niya ako at nasa kanan niya ay si Emily. Katabi ko naman si Ponnie.

"Fierce." Muling utos ng photographer at sabay-sabay kaming nagseryoso.

"Devon, chin down a bit."

Nakahawak sa aking baywang si Ponnie. Ako naman ay sa balikat ni Devon. Tumunog ang cam kasabay ng paghagip ng aking paningin sa lalaking paparating.

Nawala ako sa aking konsentrasyon lalo na ng tumigil ito upang manood.

Wala sa sarili akong napalingon sa kanyang gawi. Nang magtama ang aming tingin ay agad ako nakaramdam ng palalamig.

Pleasure Of Destruction | R-18Where stories live. Discover now