Kabanata 9

14.8K 402 79
                                    

SPG: Sexual

Kabanata 9, Bayad

Hindi ko alam kung anong oras na. Ang alam ko lang ay nakikipagtawanan ako nang parang wala ng bukas.

"Oo! Tapos hindi binibili ni Berta iyong mga swimsuit na sinusukat niya!"

Humalakhak ako. May ibang sumama na rin sa lamesa. Hindi ko sila kilala. Wala rin akong interes kilalanin. Mga babae rin sila.

Ang iba'y sumama na sa videoke at ang iba naman ay nanatili para makipagkwentuhan.

May mga nakisamang lalaki kanina ngunit pilit itong tinataboy ng mga babae kaya hindi ako nag-aalala. Mabuti... mukhang gusto nilang puro babae lang. Wala namang problema iyon. Mas maganda nga...

"Si Abby naman, nag-iiwan ng panty sa mga nakaka—"

Naputol ang tawanan kasabay ng pakiramdam na may humila sa aking braso. Muntik na akong matumba mula sa pagkabigla at sa onting tama ng alak sa akin.

Dalawa na ang paningin ko kila Kyla. Hindi ko alam kung nakatingin din ba sila sa akin o ano...

"What the fuck are you thinking?" Dinig ko ang mahihinang mura ng bagong dating. Walang kahirap-hirap niya akong inalis sa lamesang iyon.

Binitbit niya ako mula sa aking baywang. Pagewang-gewang pa akong maglakad kaya sa huli'y binuhat niya na ako sa kanyang bisig.

Kumalabog ang aking puso. Siguro'y dahil sa nainom kong alak. Napapikit ako habang sinisinghap ang amoy niya. Parati ko naman itong naaamoy pero pakiramdam ko ngayo'y napakabango niya.

"Caspian?" Tawag ko. "Nagkukwentuhan pa kami ng mga kaibigan ko..."

Halos hindi ko maalala kung nagsasalita ba ako o sa isip ko lang ito sinasabi.

It doesn't matter. Gusto ko lang sabihin, inaantok na rin naman ako...

Tinignan niya ako at kita ko ang dilim ng kanyang reaksyon. "For fuck's sake! Bigla ka nanamang nawala! Nag-usap na tayo kanina!"

Napanguso ako kasabay ng pakiramdam na parang bumaliktad ang aking sikmura. Napangiwi ako habang pilit na pinababalik ang laman ng aking tiyan sa maayos na estado.

What is he saying? Hindi ko naintindihan...

"I-I-I-I'm not drunk!" Saad ko bago nilikot ang aking mga paa.

Hindi ko alam kung nahulog ba ang tsinelas na suot ko ngunit wala na akong pakealam!

Hindi nagtagal ay marahan niya akong binaba. Nang hindi ko naramdaman ang basa at lamig ng semento ay napag-alaman kong nandito pa rin ang tsinelas ko.

Binuksan niya ang pinto at mabilis akong ipinasok.

Napaupo ako sa likod ng pinto. Pakiramdam ko'y umiikot ang buong paligid!

Muling humilab ang aking sikmura. "Tumayo ka, dito ka sa kama." Ani Caspian.

Hindi ko siya pinansin dahil hindi ko na kayang pigilan ang aking pagsuka!

Napapikit ako nang maramdaman ang pagbalik ng alak sa aking lalamunan. Tuloy-tuloy ang paglabas nito at hindi ko mapigilan!

Tumulo ang aking luha. Napatingala ako habang nararamdaman ang pag-agos ng aking ininom sa aking damit.

"I-I'm sorry!" Piyok ko.

Nakita ko ang pagpikit ni Caspian na tila ba'y pagod na pagod na.

Naglakad siya papunta sa sink at kumuha ng pamunas. Pinunasan niya ang aking suka. Pinanood ko lamang siya. Kalaunan ay bumaling siya sa akin at dahan-dahan akong dinala papunta sa CR.

Pleasure Of Destruction | R-18Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu