Kabanata 13

14.1K 354 9
                                    

Kabanata 13, Hindi ako aalis

Nanginginig ang aking kamay habang nilalakad namin ang pinto ng massage spa na tinutukoy ni Kyla. Sa bayan ito, hilera ng mga gym, kainan at iba pa. May kalayuan din sa school pero dahil malawak ang bayan, sakop niya pa rin ito.

"Pwede kang umatras Ivana." Ani Kyla noong mapansin niya iyon.

Umiling ako. Hindi ko alam kung bakit ako nanginginig.

"Magandang umaga!" Bati sa amin noong babaeng naka-kulay puting scrub. Siguro'y ganoon din ang aking uniporme. Nakahinga ako nang maluwag. "Oh recruit?" Tanong nito.

Sinulyapan ko si Kyla at nakita kong nagdalawang isip pa siya bago tumango. Bago pa makapagtanong muli ang babae ay iginiya na ako ni Kyla papasok. Cream ang kulay ng dingding at brown ang kulay ng sahig. Maliit lamang ang daanan papasok ngunit sa hilerang iyon ay punong puno ng pinto. Puro kwarto...

Akala ko'y dederetso kami ngunit lumiko pa-kanan. Ganoon pa rin ang kulay ng pader at sahig, ang pinagkaiba lamang ay mas naging malawak ang espasyo. Lumiko ulit kami pakaliwa at namataan ko ang isang malaking sofa at may flatscreen TV na nakadikit sa dingding.

May binatang foreigner na nakaupo roon na nakasuot ng kulay blue na polo. Nang mamataan kami'y agad itong umayos ng upo at pinasadahan kami ng tingin mula ulo hanggang paa. Agad akong kinilabutan kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Ikaw iyong tinawagan hindi ba?" Napalingon kami sa nagsalita. Isang babaeng naka-bun ang humuli ng aking atensyon. Kung kanina'y puting scrub... ito naman ay itim na pencil skirt na tinernuhan ng isang puting pencil skirt at puting pang-itaas. Nakatali iyon sa baywang ng babae at may tatlong butones na design sa bandang tiyan na para bang iyon lang ang nagla-lock sa damit para hindi tuluyang magbukas,

Halos mapapikit ako, iyan ba ang uniporme ko?

"Fill out muna... tapos ipasa mo ito sa manager para makapag-interview." Ani babae at inabot ang isang papel sa akin. binasa ko iyon at napag-alamang doon ko ilalagay ang mga personal na impormasyon tungkol sa akin.

Napalunok ako at hinawakan naman ni Kyla ang aking braso na para bang ina-assure akong narito pa rin siya. Pinaupo niya ako sa sofa kung nasaan iyong foreigner, hindi rin ako maka-angal dahil mukhang customer ito rito. Sinimulan ko iyong sagutan. Dino-dobleng basa ko pa dahil hindi pumapasok sa isip ko ang aking sagot. Baka magkamali!

Nang kalaunan ay matapos, tumayo na ako. May sinabi pa si Kyla kung sigurado na ba. Sinabi kong oo. Hindi na rin siya nagtanong at pinanood na lamang akong tumayo at maglakad. Pinakita ko iyong papel sa babaeng kumausap sa akin kanina at agad niya akong iginiya sa itim na pintong mukhang opisina ng aking magiging boss.

Nang buksan ko ang pinto ay agad akong sinalubong ng mahalimuyak na amoy. Nagtama ang tingin namin ng isang matandang babaeng naka-formal attire. Maliit lamang ang kanyang opisina. May lamesa, at isang upuan sa kanyang harapan. May sofa sa kanang parte at may mga paintings na nakapaskil sa pader na tumugma sa kulay ng pintura.

"Magandang umaga." Aniya at nginitian ako.

Pilit akong ngumiti pabalik at bumati. Inilahad niya ang kanyang kamay para hingiin ang aking résumé. Ramdam ko ang panlalamig ng aking kamay noong inabot ko ito sa kanya. Mul siyang ngumiti bago iyon binalingan.

"So Miss McKenna?" Tanong niya at napatango-tango. Hindi ako nagsalita. "You're eighteen? Kaka-sibol mo pa lang? That's why you look so pretty."

Hilaw na ngiti ang pinakita ko sa kanya sa tanang oras. Tinanong niya kung nasaan ang aking mga magulang. Hindi ko masabi nang detalyado dahil hindi ako kumportable. Tinanong niya rin kung nagte-take ako ng birth control pills at kung open ba ako sa sex. Um-oo ako sa lahat kahit na hindi. Marami pa siyang sinabi ngunit kinalimutan ko na iyon lahat.

Pleasure Of Destruction | R-18Where stories live. Discover now