Kabanata 59

10.4K 248 14
                                    

Kabanata 59, Over

Mabilis na lumipas ang oras. Pagkatapos akong maiwang mag-isa sa aking kwarto'y hindi ko nakayanang bitbitin ang sarili kaya naman tinext ko si Carlos na hindi ako makakapunta.

Nagtanong siya kung bakit at sinabi kong mas sumama ang aking pakiramdam. Humingi ako ng paumanhin at sinabi niya namang naiintindihan niya. Buti na lamang ay hindi na siya nangulit pa.

Pagkatapos niya iyong sabihin kagabi'y mabilis ko siyang pinagtulakan sa labas. Nabigla pa akong nagpatalo siya at kalaunan ay tuluyan na ring hindi na nanggulo pa.

Buong gabi akong umiiyak habang iniisip ang kanyang sinabi.

Of course that's not true... he's drunk. Kaya niya iyon nagawang sabihin.

"Ivana! Snap out of it!" Wala sa sarili akong bumalik sa huwisyo.

"Kanina ka pa balisa girl ano ba?" Tanong ni Ponnie sabay sundot ng tagiliran ako.

Napaigtad ako sa kanyang ginawa at pilit na ngumiti. "Medyo gutom kasi..." Palusot ko.

"Huwag ka ng kumain! Masama iyan bago lumangoy!" Aniya bago tumalikod upang harapin ang iba naming kasama.

Napailing na lamang ako.

Nakasakay na kami sa freediving boat. Isa lamang ang aming dala at kasya kaming labing isa. Katabi ko si Ponnie at nasa unahan ko si Carlos. Katabi niya si Devon na panay ang kuha ng litrato.

Hindi siya nakatabi sa akin dahil nakiusap si Ponnie. Ang sabi niya'y hihiramin niya muna ako.

Iyon pala'y gusto niya lang na pahiran ko siya ng sunblock.

Sa likod ko'y... ayaw ko nang lingunin.

"Ito na!" Tili ni Ponnie noong tumigil kami. Naka-ponytail ang kanyang buhok. SI Devon ay naka-braid. Ako naman ay nakabun.

Pinaalalahanan kami bago tuluyang bumaba. Tinuruan kaming gamitin ang surface marker buoy at ramdam na ramdam ko na ang excitement ni Ponnie sa aking tabi.

Kaya naman noong natapos... parang bata siyang nagmamadaling bumaba. Unti-unti kaming naubos. Noong sumenyas sa akin si Carlos ay doon lamang ako gumalaw.

"Hindi ako magaling super mag swim..." Dinig kong boses ng babae ngunit hindi ako lumingon.

Inayos ko ang aking wetsuit bago pumwesto upang makababa. Don't look Ivana. Focus.

Pinisil ko ang aking ilong bago sinampa ang paa sa gilid. Pagkatapos ay pikit mata kong binagsak ang katawan sa tubig.

Binalot ang aking katawan ng lamig. Bahagya akong lumubog kaya naman pinadyak ko ang aking mga paa upang muling lumutang. Nagtawanan pa ang iba.

Tinignan ko si Carlos na pababa na rin. Noong tuluyan siyang bumagsak ay nagtalsikan sa aking mukha ang tubig. Naghilamos ako bago pumadyak palayo.

"I'm scared..." Ani Lilian ngunit hindi ko na ito pinansin pa.

Tuluyan kong pinuno ng hangin ang aking baga bago lumubog upang matignan ang ilalim.

Pleasure Of Destruction | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon