Kabanata 30

12.5K 303 29
                                    

Kabanata 30, Do you?

"Ano iyan?" Ipinaling ni Caspian ang ulo niya sa aking direksyon ng makita ang aking hawak na platong puro cupcake.

"Pagkain." Mahina kong saad. Katatapos niya lang maglinis ng katawan at naka-patong ang tuwalya sa kanyang balikat.

"Bakit ka may ganyan?" Aniya at lumapit.

Mabilis akong kumuha ng isa at kinagatan. Pinanliitan niya ako ng mata bago tinignan ang nakalagay na 'Happy Bi— —ian' kalahati na lang ang mga letrang naroon dahil kinain ko na iyong una kong nahawakan.

Nang mapansin ang nakasulat ay agad na lumambot ang kanyang ekspresyon.

"Happy birthday Caspian?" Mahinang pag-aanalisa niya. "Did you make this for me?"

Nilunok ko ang tinapay at hindi sumagot.

Parang batang kumislap ang kanyang mata at agad na kinuha ang pagkain sa aking kamay.

"Thank you." Tumigil siya at siningit ang takas na buhok sa aking tainga. "Nagluto ka para sa akin?"

May kung anong lambing ang nakapaloob sa kanyang boses sanhi para muli akong tangayin ng malamyos na hangin.

Dahan-dahan akong tumango. Mas lalong lumaki ang kanyang ngiti. Hindi ko alam kung mapupunit na ang kanyang pisngi sa laki— nakakasilaw.

"How did you know?"

"Pinakealaman ko cellphone mo." Pag-amin ko at muling kumagat.

Kinuha niya ang pagkain sa aking kamay at nanlalaking balintataw akong tinitigan.

"Aww okay..." malambing niyang saad. Tila ba'y wala lang sa kanya ang aking ginawang pangangalikot ng kanyang personal na gamit.

Pinatakan niya ng halik ang aking noo at mabilis na ngumiti. "Thank you so much angel."

Napanguso ako at nag-iwas ng tingin. "Walang anuman."

Kinagatan niya ang cupcake at iginiya papunta sa lamesa.

Hindi ko alam kung ako lang pero pakiramdam ko'y may biglang nag-iba sa amin. Parang may nagbago. Parang may nawala, at parang may sumibol.

"Bakit ka nag-abala?" Tanong niya.

Pinaupo niya ako sa upuan at muli siyang bumalik sa kusina upang kunin ang takuring may mainit na tubig. Kumuha siya ng baso at naglagay ng gatas doon. Pinanood ko lamang ang kanyang bawat galaw habang kumakain ng cupcake.

Wala sa sarili kong nilingon ang mangkok na pinaglagyan ko ng adobo kanina.

Wala na iyong laman. Inubos niya habang patuloy akong pinapaliguan ng papuri. I can't even imagine how much he's trying to prevent himself from regurgitating.

"Ang sarap, lutuan mo pa ako." He insisted.

Alam ko namang hindi talaga masarap at pinipilit niya lang pero sapat na iyon para unti-unting matibag ang kung anong mabigat sa aking dibdib kanina.

"Hindi kita nasamahan sa araw ng birthday mo, hindi kita nabigyan ng regalo." Napalingon siya sa aking gawi at agad na umiling.

Kumuha siya ng kutsara at hinalo ang gatas para maibigay sa akin.

"Hindi naman talaga masarap naluto ko. I'm sorry." Paumanhin ko at nag-iwas ng tingin.

Lumabi siya sa akin na parang bata. "Masarap, pinaka-masarap na nakain kong adobo."

Bahagyang umalab ang aking pisngi kasabay ng pagpipigil ko ng ngiti. Hindi ko alam kung ito na ba ang sinasabing karupukan...

"Yeah, I'll make something better next time." Wala sa sarili kong saad.

Pleasure Of Destruction | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon