Kabanata 20

14.5K 344 67
                                    

Kabanata 20, Court

Inayos niya ang aking suot. Pagkatapos ay hinayaan niya akong humiga. Umupo naman siya sa aking gilid. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita ang kanyang mukha.

Nang makabawi ay marahan akong tumayo.

"Kailan ka pa nagtrabaho rito?" Madilim niyang tanong. Tila ba'y sinusukat kung ano ba ang dapat niyang sabihin.

"Matagal na..."

"Mula ng lumipat ka kila Kyla?" Tanong niya. Hindi ako nagsalita.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya. Pag-iiwas ko ng usapan.

Bahagyang uminit ang aking pisngi ngunit tinulak ko rin ang ideyang iyon palayo. Ayaw kong manatili kami sa nangyari.

Nangyari na. Hindi ako nagsisisi. Ginusto ko iyon. Kailangan ulit naming bumalik sa reyalidad at magpatuloy sa takbo ng oras.

Nilingon niya ako. Para bang hindi makapaniwalang tinanong ko iyon.

Narinig ko ang malamig niyang halakhak. Agad akong kinilabutan.

"Ikaw pa ang nagtanong niyan?" Aniya. Alam kong magsisimula nanaman kaming mag-away kaya mabilis akong tumayo.

Inayos ko ang bahagyang umangat na palda at ang tabinging pang-itaas.

Ngumisi ako. "Tapos na po ang thirty minutes."

Nagdilim muli ang kanyang paningin. Parang handa na muli akong sunggaban. "Hindi na po ako hihingi ng tip. Lumabas na po kayo. May naghihintay pa po."

Muling bumalik ang nakakatakot niyang ekspresyon. Marahas siyang tumayo. Buong akala ko'y lalabas na ito at hahayaan na ako ngunit pagkatayo niya'y padarag niya akong hinatak!

"Ano ba?!" Asik ko at nagsimulang magpumiglas!

Nagsimula na siyang humakbang at walang kahirap-hirap akong dinala palabas!

Pagbukas ng pinto'y agad na napatingin ang mga tao. Nakita ko pa roon si Pauline na mukhang natigilan dahil namangha sa kung sinong humihila sa akin.

Kalaunan ay tumigil siya para mabilis akong lingunin. "Nasaan ang damit mo?"

Biglang sumagi sa aking isip ang pagkuha nila Pauline ng aking damit.

Lutang kong itinuro ang daan papunta sa locker room. Hinila naman niya ako papunta roon.

Lahat ng madaanan namin ay hulog ang panga habang pinagmamasdan si Caspian na hinihila ako.

Nagmukha tuloy siyang mabuting among may dalang alagang aso.

Nagtilian ang mga babaeng aming nadaanan. "Ang gwapo!" Saad nila.

May mga naglakas loob lumapit para man lang mahaplos ang kanyang braso ngunit lahat iyon ay nilagpasan niya!

"S-saglit, nasa trabaho pa ako. Mamaya pa ang tapos ko." Wika ko ng makarating kami sa pinto ng locker.

Binuksan niya iyon at muli akong kinaladkad papunta sa mga lockers.

Dumiretso ako sa aking locker at nagkunwaring hinahanap ang aking damit. Hindi ko pa rin pwedeng hagilapin ang damit ko sa loob ng locker nila kahit may rason ako! Kailangan ay alam nila!

"M-may kumuha..." utal kong saad.

Nakita kong pinanliitan niya ako ng mata. "Sino?" Madilim niyang saad.

Mula sa kanyang likod ay kita ko ang kumpulan ng babaeng nakasilip sa pinto. Sinisilayan kahit batok lang ni Caspian.

Hindi ako sumagot.

Pleasure Of Destruction | R-18Where stories live. Discover now