Kabanata 60

10.5K 256 31
                                    

Kabanata 60, Caught

Halos gapangin ko na ang aking kwarto pagdating gawa ng pagod. Nag-stay pa ako kanina dahil baka mahalata nilang madalas kong idahilan ang pagod kaya naman kalaunan, noong nag-ihaw pa ay talagang ngayon pinagod ako.

Inalis ko ang aking damit upang makaderetso sa banyo. Ni-hindi ko na tinapunan pa ng tingin si Caspian kanina kahit na grabe ang kanyang titig sa akin.

Saglit lamang ang aking naging plano sa banyo dahil gusto ko ang umidlip. Kaya naman pagkatapos ng bente minuto ay lumabas na ako. Akmang dederetso na ako sa aking cabinet upang makapagpalit nang biglang may kumatok.

Nangunot ang aking noo. Sino iyon?

Si Ponnie? Kanina pa siya paulit-ulit na bibisita sa akin dahil may hihiramin siyang damit.

Baka nga!

Dumiretso ako sa pinto upang tignan kung sino iyon. Pinihit ko ang doorknob at hindi gaya ng inaasahan.

Isang lalaking may dalang malaking pumpon ng bulaklak ang bumungad sa akin. Tinagilid niya ang kanyang ulo sa aking gawi bago pinasadahan ang aking nakatapis na katawan.

Halos tumalon ang aking puso mula sa aking dibdib ngunit hindi ko iyon pinahalata.

"Oh... I didn't mean to..." Ani Caspian sabay iwas ng tingin.

Kinunotan ko siya ng noo. "What are you doing here?" Tanong ko.

"Ibibigay ko sana i—"

"Go away." Mabilis kong putol at akmang isasarado ang pinto ngunit mabilis niya iyong pinigilan.

"Change your clothes and come back to me." Aniya sabay ngiti. Pagkatapos noon ay binitawan niya na ang pinto at hinayaan akong isarado iyon nang tuluyan.

Halos mangatog ang aking binti noong ako na lang mag-isa. Anong ginagawa niya?! Paano kung may makakita sa kanya?

Shit. Oo nga. Paano kung biglang lumabas ang ilan sa mga kakilala ko at makita nila si Caspian na nakatayo sa labas ng aking pinto bitbit ang isang bouquet ng bulaklak?!

Dali-dali akong naghagilap ng damit para makapagbihis. Nagsuot na lamang ako ng itim na summer shorts at pinaresan ng gray t-shirt.

Pagkatapos ay dumiretso ako sa pinto upang makausap siya. Nang buksan ko iyon ay namataan ko itong tumitingin sa kanyang relo. Hawak niya pa rin ang bulaklak. Noong marinig na bumukas ang pinto'y inangat niya ang mga mata sa akin.

Bago pa man gumuhit ang ngiti sa kanyang labi ay agad na akong nagsalit.

"Leave." Maikli kong saad.

Umawang ang kanyang labi. "I'm really sorry about earlier."

Huminga ako nang malalim na hininga bago siya tinapunan ng blangkong ekspresyon.

"Okay. Apology accepted. Now please leave."

Bago pa siya makasagot ay sinarado ko na ang pinto. Naramdaman ko ang kung anong pagtutol mula sa aking kaloob-looban pero siniksik ko ito palayo. Hindi ako pwedeng maging mahina.

Ni-lock ko iyon bago dumiretso sa kama. Kasabay lamang noon ng pag-ring ng aking cellphone.

Mabilis ko iyong dinampot.

Unknown number:

I'm still here ;D

Halos sabunutan ko ang aking sarili sa inis. Why won't he leave?!

Pleasure Of Destruction | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon