Kabanata 37

9.9K 213 17
                                    

Kabanata 37, Babalikan

Nanlalamig ang aking balat habang nakaupo sa sulok ng walang lamang kwarto. Walang bintana, walang kahit anong kagamitan.

Nanginginig ang aking kamay habang pinapakiramdaman ang singsing na nakalagay sa aking daliri.

Sinusubukan kong pakalmahin ang aking sarili kahit na alam kong magang maga na ang aking mga mata sa pag-iyak.

Nag-isip na akong mangyayari ito, dapat ay hindi na ako sobrang apektado.

Pagkatapos magpakita ni Stefan ay dali-dali niya akong pinakaladkad palabas ng kwarto. Kahit anong piglas ko'y walang nangyari. Walang awa akong binitbit ng mga lalaki papunta sa baba. Doon ko lamang nalaman na may pinadagdag si Stefan sa bahay.

May isa pang basement kung saan narito ako. Walang ilaw, napaka-dilim. Ni hindi ko nga alam kung suminag na ba ang araw. Binagsak nila ako rito at kinandado.

Siguro'y balak niya na akong patayin. Ni hindi rin ako nakatulog. Ni-kurap.

Nalalasahan ko pa ang dugo sa gilid ng aking labi dahil sa pagtama ko sa sahig kanina. Baka nga'y may pasa rin ang aking pisngi dahil masakit ito pag nahahawakan.

Ang isa ko pang inaalala ay si ate Lusing. Ni hindi ko siya nakita pa pagkatapos kong ilagay rito. Sana lang ay hindi siya tinulad sa akin.

Nawala ako sa aking pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto. Hinagilap ng aking tingin ang aninong nakapwesto sa pinto. Kumalabog ang aking puso at mas naging alerto ang aking isip.

Hindi siya nagsalita noong una. Nakilala ko lamang siya sa kanyang roba. "Tignan mo nga naman..." humalakhak ito.

"Tumakas, ikaw rin ang bumalik." Hindi ako sumagot. Kalaunan ay may pinindot siyang switch sa gilid at bumukas ang kulay dilaw na ilaw na nakalagay sa pinaka dulong sulok, lihis sa aking direksyon.

Ni hindi ko iyon napansin.

"Grabeng pasakit mo sa aking sampid ka." Muling bumalik sa kanya ang aking tingin. Kalaunan ay pinasok niya nang buo ang manyang katawan at sinarado niya ang pinto sa kanyang likod.

Gumapang ang kakaibang takot na ngayon ko lang ulit naramdaman! Parang hinihiwa ang aking puso dahil kasabay ng sakit ay ang bilis na pagpiga ng adrenalin sa aking ugat!

Mas siniksik ko ang aking sarili lalo na ng lumapit siya palapit sa akin. Yumuko ito upang magkapantay kami.

"Muntik na akong makulong dahil sa iyo alam mo iyon?" Mahina niyang bulong. Amoy ko sa kanyang hininga ang alak sanhi para mapaiwas ako ng mukha.

Ngunit hindi pa nagtatagal ang aking posisyon ay marahas niya ng binalik ang aking mukha paharap sa kanya!

"Tumingin ka sa aking puta ka." Ngisi niya.

Umalpas ang hikbi sa aking bibig gawa ng takot. Nabalot ng panlalamig ang aking sikmura! Ni hindi ko na halos maramdamang humihinga ako!

"Tama n—"

"Ibebenta kita ulit. Akala mo ba nakatakas ka na?" Sinubukan kong kumawala sa kanyang kapit ngunit parang wala lamang itong epekto!

"Pero papahirapan pa kita, akala mo ganon-ganon lang iyon?" Hysterical itong tumawa kasabay ng pagtapon niya sa aking panga!

Muling lumagapak ang aking mukha sa sahig! Halos mapahiyaw ako sa sakit ngunit hindi pa man nakakabawi ang aking katawan ay marahas niya ng hinila ang aking buhok pataas!

"Aray! Tama na!" Umalingawngaw ang aking hagulgol ng salubungin ng isa niyang kamay ang aking pisngi! Ang pisngi kung saan mahapdi!

Pleasure Of Destruction | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon