Kabanata 61

10K 237 142
                                    

Kabanata 61, Get out

"W-we're just..." masyadong gulong gulo ang aking isip sa kung anong sasabihin! Ni hindi ako makatayo nang maayos gawa ng hindi ko alam kung lalapit ako o mannaatili sa aking pwesto!

"Just what?" Asik niya. Nanlilisik ang kanyang mga mata sa aking direksyon.

I should've told him! Shit! This is so fucked up!

Dapat pala'y una pa lang! Ngayon ay nalaman niya sa hindi pa magandang pagkakataon!

Hinabol ko ang aking paghinga dahil masyadong sumisikip ang aking dibdib. Hindi ko alam kung paano ko ipagtatanggol ang aking sarili dahil unang una sa lahat ay ang pinag-uusapan namin ay talagang lagpas magkaibigan. Isa pa, ang posisyon namin kanina'y talagang kalagay-lagay malisya!

"You were cheating this whole time Ivana?" Biglang singit ni Ponnie na mukhang ngayon ay gulat pa rin. Nakakapanibagong wala siyang suot na make up kaya maputla ang kanyang balat.

"H-hindi..." saad ko kahit hindi na rin ako sigurado sa dapat kong maging sagot. Kahit ipaglaban ko ang aking sarili'y sa tingin ko walang maniniwala.

Nginiwian niya ako. Gaya ni Carlos ay namataan ko ang kung anong inis at pandidiri sa kanyang mga mata.

"N-no! Wala kaming relasyon!" Tinapunan ko ng tingin si Caspian na kalmadong kalmado. Hindi ko maatim sabihin ang totoo! Dapat ko pa ba iyong balikan? Para lang maniwala sila sa akin? Dapat ko pa ba iyong alalahanin para lang mabura ang ideyang nasa isip nila?

Kinulbit ni Caspian ang kanyang pang-ibabang labi gamit ang kanyang hinlalaki noong makitang nakamata ako sa kanya.

Para bang hindi man lang siya nabiglang may ganitong eksenang nangyayari!

"Kaya pala malagkit ang tingin mo sa kanya..." mahina ngunit sapat na para marinig kong banggit ni Ponnie. "Hindi ko pinapansin noong na pero ngayon."

Mas nangibabaw ang kung anong inis noong ako'y kanyang tinignan. "Alam mo namang may girlfriend siya! Bakit ka pumat—"

"Says who?" Sabay kaming napatingin kay Caspian noong bigla siyang umimik. Buong akala ko'y mananahimik siya ngunit ngayon ay nabigla akong bigla siyang sumagot. "She's not my girlfriend."

Umawang din ang labi ni Ponnie na tila ba'y napahiya sa biglaang sunggab sa akin. Kalaunan ay umatras ito at muli akong tinignan.

"M-may Carlos ka! Pero nagawa mo ito sa kanya!" Iwas niya sa sinabi ni Caspian. Muling lumipad kay Carlos ang aking tingin.

Mula sa likod ng aking isip ay muli kong naalala ang kanyang mga ginawa sa akin. Mula sa umpisa... noong panahong lugmok na lugmok ako at walang makakapitan.

Carlos gave me everything.

School. Home. Food. Parang utang na loob ko na ang lahat sa kanya. Ngayon pakiramdam ko'y wala man lang akong magandang dulot at talagang nagawa ko siyang saktan! Mas masakit pa ito kaysa sa sinabi ko ang totoo nang harap-harapan!

Bakit ba palaging hindi maganda ang aking nagagawang desisyon?

"Hindi ako makapaniwalang magagawa mo ito..." ani Carlos habang dismayadong nakatingin sa akin. Ang kanyang mata'y titig na titig, tila ba'y inaaral ang aking mga susunod na galaw. "You act so innocent."

Nag-ugat ang aking paa sa sahig at binaba na lamang ang mukha.

"Bakit? Ano ba ang relasyon niyo?" Muling bato ng tanong ni Caspian.

Mula sa aking pwesto'y nakita ko ang kalmanteng posisyon ng kanyang katawan. Nakaangat ang gilid ng kanyang labi ngunit may bahid doong inis. Hindi maitatanggi.

Pleasure Of Destruction | R-18Where stories live. Discover now