Kabanata 19

13.6K 393 23
                                    

SPG: Sexual

Kabanata 19, Now

"W-wait Caspian!" Halos bulong na lang ang aking nasambit sa sobrang takot!

Sinubukan ko siyang itulak ngunit mahigpit ang kanyang kapit sa akin! Pinasadahan niya ng tingin ang aking buong katawan bago napahilamos.

Tila ba'y hindi makapaniwalang ganoon ang aking suot.

"What kind of bullshit are you doing?" Bahagya akong natauhan sa kanyang tanong. Sinalubong ko ng galit ang kanyang tingin.

Kumuyom ang aking kamao. Panandaliang napalitan ng inis ang aking sistema dahil sa kanyang sinabi!

"This is not bullshit! Nagtatrabaho ako!" Nagtagis ang kanyang bagang at marahas na ginulo ang buhok.

Muli niya akong tinignan. "Nag-isip ka ba nung pumasok ka rito?!" Tumaas ang kanyang boses.

Nanginig ang aking kamay at muli siyang sinubukang itulak. Mas dumiin ang kanyang kapit sa akin. Idinikit niya ang dalawa kong braso sa dingding at masamang tinignan.

Nakaramdam ako ng panliliit sa kanyang ginawa dahil ngayon ay talagang kailangan ko siyang tingalain!

Nagtapang-tapangan ako kahit halos hindi ko kayanin ang intensidad ng kanyang mga mata.

Kumalabog ang aking puso habang nakikipagtitigan sa kanya. Habang nagtatagal ay mas nabubuo ang katanungan sa aking isip kung bakit ba may ganito kagwapong nilalang na nakikihalubilo sa tao.

Bahagyang umawang ang kanyang labi sanhi para saglit akong bumalik sa huwisyo. Agad akong napakurap at muling nagsalita.

"W-wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan! Buhay ko ito, ako ang bahala sa sarili ko!"

Suminghap siya sa inis. Kung ganoon ay naiinis din ako! I've never shouted someone my whole life pero mula noong pumasok ako sa trabahong ito— hindi! Mula noong makuha ako ni Caspian, pakiramdam ko'y may mga bago akong kaugaliang nagagawa!

"Your life huh?" Ngumisi ito ngunit hindi ko nakita ang tuwa sa kanyang mukha.

"Nag-isip ka ba? Pumasok ka sa ganitong trabaho? Maraming lalaki, ganito ang suot mo? Libreng libre kang mahawakan? Libreng libre kang pagnasahan!"

Mas humina ang kanyang boses ng sabihin niya ang panghuling kataga. Tila ba'y hindi niya iyon kayang sabihin! Kumawala siya ng iba't ibang klase ng mura.

"We've talked about this already, hindi mo pa rin ba naiintindihan?"

Alon ng alaala ang tumakip sa aking paningin. Ang paggalaw ng kanyang labi, ang paraan ng paghawak niya sa aking baywang. Para bang nangyayari ulit.

Panandalian akong natigilan kasabay ng pag-init ng aking pisngi.

"Nagbitaw na ako ng salita. Kailangan pa bang may gawin ako para angkinin ka?" Malamig ngunit nakakapang-akit ang kanyang bawat bigkas ng salita.

Nanginig ang aking labi kasabay ng pangangatog ng aking binti! Nangapa ako ng salita ngunit walang lumabas sa aking bibig.

"A-anong sinasabi mo? Tinatanaw kong malaking tulong ang ginawa mo sa akin pero hindi ibig sabihin noon, kaya mo na akong kontrolin!"

Dinilaan niya ang kanyang labi at bahagya pang napa-iwas ng tingin. Akmang bubuga pa sana ako ng salita ngunit agad din akong natahimik.

Mabilis ang pangyayari— hindi ko na halos masundan, walang salita siyang lumapit para angkinin ang aking labi!

Pleasure Of Destruction | R-18Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz