Kabanata 7

16K 435 101
                                    

Kabanata 7, So easy

Pumatak ang alas tres. Nakahilata ako sa kama habang iniisip ang aking dapat gawin.

Kanina'y tinanong niya sa akin kung ano ang mga kailangan at nagboluntaryo siyang kukuha ng mga requirements. Hindi na ako nakatanggi sa takot.

Naisip kong magiging maganda rin iyon para hindi ko na kailangan pang pumunta sa eskwelahan. Nakakahiya lang dahil galit siya sa akin tapos tinulungan niya pa rin ako.

Kung tutuusin ay napakalaki na ng utang ko sa kanya. Kaya kahit ganoon parang hindi ako makaramdam ng inis. Maliban pa roon, kailangan ko siyang bayaran...

Wala sa sarili akong napabangon. Oo nga! Pwede ko na palang puntahan si Kyla!

Mabilis akong tumayo at agad na dumiretso sa pinto. Now is the chance!

Nagmamadali kong sinarado ang pinto at tinahak ang direksyon ng court. Halos gapangan ako ng takot nang maalala ko ang nangyari noong nakaraan.

Hindi. Sa tingin ko'y hindi na iyon masusundan.

Nagmamadali ang aking mga hakbang hanggang sa matanawan ko ang court. Agad akong nakahinga ako nang maluwag noong mamataan ko si Kyla na nakikipag-usap sa kanyang mga kaibigang babae.

Tinahak ko ang kanyang direksyon. Naputol ang kanyang halakhak nang magtama ang aming tingin.

Dali-dali siyang napatayo. "Oh? Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya.

Napalunok ako. "Sorry noong nakaraan Kyla... pero... pwede bang humingi ng pabor sa iyo?" Tanong ko.

Napalunok ito. "Sige kung kaya ko..."

Bumuntong hininga ako bago nagsalita. "Pwede bang tulungan mo akong makapaghanap ng trabaho?"

Tumagilid ang kanyang ulo. "Baka magalit si Caspian sa akin."

Napakurap ako at wala sa sariling hinawakan ang kanyang kamay. "Huwag mong sabihin sa kanya. Hindi ko rin sasabihin... please, kailangan talaga namin ng pera."

Kita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha bago umiling. "Hindi pwede, baka may kung anong mangyari kung tutulungan ki—" agad akong umiling.

"Parang awa mo na, walang trabaho si Caspian, ang laki ng utang na loob ko sa kanya... gusto ko siyang bayaran. Please, hindi ko sasabihin, wala akong pagsasabihan." Bakas ang awa sa kanyang mukha.

"Please Kyla, ikaw na lang ang pwede kong matakbuhan..."

Huminga ito nang malalim bago ginulo ang kanyang buhok. "Argh! Sige na nga, basta walang makakalabas hah? Ayaw kong magalit sa akin si Caspian."

"Oo, pangako." Napangiti ako. "Gusto ko sana ay iyong malaki ang sweldo, may alam ka ba?"

Muling bumakas ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha. "Ah... oo."

Halos kumislap ang aking mga mata sa kanyang sinabi. "Sige! Ano iyon?" Tanong ko.

Tinutop niya ang kanyang labi. "Alam mo ba iyong escort agency?"

Umawang ang aking labi. Escort agency?

Nang mapansing hindi ako agad nakapagsalita ay agad siyang umatras. "Ah! Iba na lang... ano... naghahanap ng waitress sa rest—"

Pleasure Of Destruction | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon