Kabanata 69

10.6K 307 47
                                    

Kabanata 69, McKenna Ivana Ruellos

"Caspian!" Bumuhos ang aking luha noong iniwan ko ang pinto.

Katatapos lamang niyang ilipat ang ulam sa mangkok at kita kong nagulat siya sa aking reaksyon.

"M-may mga pulis..." nabasag ang aking boses.

Nakita kong suminghap siya bago kinuha ang nakasampay na T-shirt na itim sa ibabaw ng lamesa. Sinuot niya iyon.

"May arrest warrant sila Caspian." Pigil ko sa kanyang braso.

Huminga siya nang malalim bago ako maliit na nginitian.

"It's okay... everything's going to be okay." Aniya sabay halik sa aking noo.

Agad siyang dumiretso sa pinto upang salubungin ang mga ito.

Agad naman akong sumunod sa kanya.

May pinindot siyang kung ano sa gilid katabi ng ilaw at doon ko lamang napagtantong pangbukas iyon ng maliit na gate para sa mga taong papasok.

Agad na nagmartsa ang tatlong pulis at muli akong napahawak sa kanya.

Nilingon niya ako upang maliit na ngitian. Simbolong huwag akong matakot. Ngunit kahit ganoon pa man ay hindi noon natakpan ang aking kaba.

"May arrest warrant po kami para sa inyo sir Arciaga." Ani pulis bago nilabas ang isang posas.

"A-anong ginagawa niyo? Wala naman siyang kasalanan!" Asik ko at muling hinigit ang damit ni Caspian upang hindi siya tuluyang makalabas. Kasabay lamang noon ang paglalagay nila ng bakal sa kanyang palapulsuhan.

Hindi nila ako pinansin at iginiya na si Caspian upang makaalis.

"Caspian!" Nabasag ang aking boses at nagmamadaling sumunod.

Hinuli ng isang lalaki ang aking braso upang hindi ako makasunod ng tuluyan. Nakita kong magsasalita sana ito upang pakalmahin ako ngunit agad siyang naunahan.

"Don't touch her." Biglang dilim ng boses ni Caspian at mabilis kaming nilingon. "Sasama ako. Huwag niyo siyang hawakan."

Nakita kong na-intimidate ang mga ito at agad ding bumitaw.

Nagtamang muli ang aming mga mata at agad na nanlambot ang kanyang reaksyon. "Can I just talk to her for a minute?" Baling niya sa mga pulis.

Mukhang nag-alinlangan ang mga ito at kalaunan ay tumango. Nagtiim bagang si Caspian bago ako marahang nilapitan.

"Get my phone in my room, call Creston. Tell him everything. The password is 041016."

Nangilid ang luha sa aking mga mata at agad na tumango. "I'm so sorry..."

Huminga siya nang malalim at agad na pinalis ang luha sa aking pisngi. "Everything's going to be okay."

Hindi na ako nagsalita. Alam kong wala rin akong magagawa ngayon. Ang tangi ko lamang na maitutulong ay ang pinapagawa niya.

Nanginginig akong sumunod sa kanila hanggang sa sinakay siya sa kotse. Pinagitnaan siya ng dalawang pulis at ako naman ay walang magawa kundi ang manood.

"I've alredy expected this." Ani Creston habang nakaupo sa sofa. Nakapirmi ang kanyang kamay sa kanyang baba na para bang nag-iisip.

Hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon lalo na noong umangat ang kanyang mga mata sa akin. "Calm down." Aniya na tila ba'y alam na hindi ako mapirmi.

Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili kahit na hindi mapanatag ang aking buong sistema. Ni hindi ko nakaramdam ng gutom. Ngunit nangulit si Creston na kumain ako. Pinipilit niyang kapag hindi ako kakain ay mas lalaki ang problema at hindi ko mapupuntahan kaagad si Caspian.

Pleasure Of Destruction | R-18Where stories live. Discover now