Kabanata 46

9.3K 265 20
                                    

Kabanata 46, Sa Susunod

Nandito ako nakaupo sa hilera ng upuan. Walang kasama, sinabi ni Cyprian na may pupuntahan siya ulit at binilinan niya akong huwag umalis.

Lutang akong nakatitig sa papel na binigay sa akin ng babae. Isang oras na lamang ay pwede na kaming bumisita kay Caspian.

Hindi ko ito naibalik.

Pero hindi ba ito rin naman ang gusto ko? Pera? Pagkaalis ko'y pwede ko itong ibigay kila Kyla. Tapos na ang iniisip ko.

Ang hindi ko lang masikmura ay nakuha ko ito dahil binayaran akong layuan si Caspian.

Suminghap ako bago iyon tinago sa bulsa ng aking pantalon.

Ngayon ay handa na ako. Onting oras na lang ay makikita ko na siya ulit.

Sinandal ko ang aking ulo sa pader at tahimik na nag-isip. Hindi ko na lang namalayang bigla akong nakaidlip.

Nagising lamang ako ng makarinig ako ng boses.

"Ivana." Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Unti-unti kong naaninag ang mukha ni Cyprian. Tumango siya sa akin.

"Pwede na."

Mabilis akong napasinghap at agad na napatayo. Tumalikod siya at naunang maglakad. Sinundan ko lamang siya.

"Isang oras lang pwede at bawal ang sabay-sabay." Ngumiti siya sa akin.

"Pwede bang maghintay ka muna? Baka pag nakita ka ni lola'y bigla siyang magalit ulit."

Napalunok ako at dahan-dahang tumango. Of course I need to respect that. Sila dapat ang mauna.

Tumigil kami sa isang likuan kung saan ang pinto ng ICU. Mula sa harap noon ay kumpulan ang kanyang mga kapatid, ang kanyang ama, ang babae kanina at ang lola niya. Nag-uusap-usap ang mga ito ito ngunit hindi ko maintindihan.

Naunang lumakad si Cyprian upang hindi mahalatang nawawala siya. Ang sabi niya'y nirerespeto niya ang pagiging pribado ng relasyon namin kaya naman ako lang ang papapasukin niya mamaya. Kapag wala nang mga tao.

Tahimik akong naghintay. Naunang pumasok ang mag-asawa. Hindi ko alam kung ilang minuto silang nandoon. Panay lamang ang aking nakaw ng tingin sa kanila. Nang makalabas ay kita ko ang patingin-tingin sa paligid ng babae. Para bang may hinahanap. Hindi ko alam kung ako ba iyon o hindi.

Nang lumabas ang mga ito'y. Sumunod na pumasok ang kanyang lola. Akay-akay ito ng isang batang lalaki.

Medyo natagalan ito. Nang tuluyan silang makalabas ay panay ang iyak ng matanda. Agad naman siyang dinaluhan ng iba pa niyang kapamilya.

Parang may kung anong kumulbit sa aking puso. Hindi ako nagtataka. Talagang mahal niya lang ang kanyang apo kaya ganoon ang kanyang trato sa akin. Hindi naman niya ako kaano-ano. Mas matimbang ang kanyang nararamdaman para sa kanyang kadugo kaya niya ako nagawang saktan.

Nang medyo kumalma ito'y tuluyan ng pumasok na ang dalawa pa niyang kapatid. Bahagya akong kinabahan ng onti na lamang ay makikita ko na siya ulit! Onti na lang!

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi upang ipunin ang nararamdaman sa loob. Nang makalabas ang mga ito'y isa pang lalaki ang pumasok. Buong akala ko'y sabay sila ni Cyprian ngunit nagpahuli ito.

Saglit lamang iyon hanggang si Riel na. Siya ang sinamahan ni Cyprian papasok. Bahagya akong kinabahan. Nagpalingon-lingon ako sa paligid at sinubukang pakalmahin ang aking sarili.

Nang makalabas silang dalawa'y namataan ko ang bahagyang pamumula ng pisngi ni Riel. Mukhang naiyak din ito. Tinapunan ako nang pasimpleng tingin ni Cyprian.

Pleasure Of Destruction | R-18Where stories live. Discover now