Kabanata 11

14.6K 333 20
                                    

Kabanata 11, I promise

"Dapat hindi ka pumunta rito." Aniya. "Dapat hindi ka umalis kila Kyla."

Napabitaw ako sa kanya at agad na umiling. "No... anong nangyari? Bakit nagkaganito?"

Akmang magsasalita na siya ng sumulpot sila Kyla sa pinto. Sa likod ay si Chester. May dalang panibagong pagkain.

"Caspian! Bakit ganito?" Ani Kyla. "Anong nangyari?!"

Umiling lamang si Caspian at hinawakan ang aking braso. Umiling lamang ako. Iginiya niya ako palapit at agad kong hinawakan ang kanyang kamay.

"Huwag niyo siyang paalisin..." ani Caspian sabay abot ng aking braso kay Kyla.

Nang akmang kukunin iyon ni Chester ay mas inilapit ako ni Caspian sa babae.

Nang mapansin niya iyon ay agad niyang hinawakan ang aking kamay.

Tinutop ko ang aking labi. "Bakit?" Mahina kong tanong.

"Iuwi niyo na siya..." mabilis niyang saad bago tumalikod.

"Halika na Ivana..." kinagat ko ang aking pang-ibabang labi.

Nilingon ko si Caspian at nakitang chineck niya ang cabinet na sinilip ko kanina. Iyong mga drawing...

Kumalabog ang aking puso at inalis ang kamay ni Kyla sa akin.

"I want to talk to him..." wika ko.

Nang marinig ni Caspian iyon ay agad siyang napalingon. Umiling siya kay Kyla.

Naramdaman ko ang mga maliliit na punyal na sumaksak sa aking puso. Gusto ko sanang magsalita ngunit walang lumabas na tunog sa aking bibig.

Nanghina ang aking tuhod. Nanlabo ang aking paningin sa luha. Buti na lamang ay mabilis akong naalalayan nila Chester kung hindi'y lumagapak na ang aking mukha sa sahig.

"Kyla..." dinig ko ang madilim na tawag ni Caspian mula sa likod.

Natutop ni Kyla ang kanyang labi at mas inayos ang hawak sa akin.

"Huwag na Chester, ako na." Aniya.

Muli kong nilingon si Caspian at nakita kong nakatingin din ito sa akin.

Hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon. Iniwas niya ang tingin sa akin at muli na lamang bumaling sa mga papel na iginuhit.

Mabigat ang loob akong lumabas.

Lumipad ang aking isip habang tinatahak ang daan palabas.

Kung hindi mo sasabihin ngayon... mamaya.

Isinagawa ko ang plano sa aking isip. Dapat ay hindi ako umaktong kahina-hinala para hindi sila mag-isip...

Nang makarating kami sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto.

Hindi ako sinundan nila Kyla. Siguro'y bibigyan nila ako ng oras para makapag-isa.

Pinalis ko ang luha sa aking mata at agad na pinakalma ang sarili.

Parati na lamang akong umiiyak at hindi ko iyon gusto. Kailangan kong maging matatag. Sana mamaya'y nandoon pa siya. Kung wala'y talagang tatakas ako.

Pumatak ang alas nueve at doon lamang nila ako tinawag. Sinabi nilang kakain na.

Kahit labag sa loob ay lumabas ako at kumain. Inisip ko ang mga madalas gawin nila Kyla.

Mag-cecellphone muna sila bago matulog. May tiyansang mahuli ako kung aalis ako ng alas onse. Lalo na si Chester. Kung kakain siya ngayon... kailangan niya ng oras para makapagpatunaw dahil ayaw nilang natutulog ang lalaki ng busog.

Pleasure Of Destruction | R-18Where stories live. Discover now