Kabanata 6

16.6K 626 230
                                    

Kabanata 6, Ako lang

For the next few days, Caspian didn't bother to talk to me. I can't force him to talk either. Pagkatapos niyang pumunta roon... matinding takot na ang naramdaman ko. Natatakot akong baka pati sa akin ay maibuntong niya ang kanyang galit.

Tahimik niyang nilagay ang kandila sa tabi ng kama.

It's already 10PM.

"Kapag gumaling ang sugat ko'y pwede akong maghanap ng trabaho."  Tikhim ko nang dahan-dahan siyang pumwesto sa aking tabi. Wala siyang pang-itaas ngunit hindi niya rin ako hinaharap. Naka-pwesto siya sa tapat ng drawer kung nasaan nakapatong malapit ang kandila. Ako naman ay nakaharap sa kanyang likod.

"Hindi na kailangan. Maglinis ka na lang at magluto pag umuuwi ako." Wika niya gamit ang isang malamig na boses. Napalunok ako habang tinitignan ang bitak sa kanyang likod.

Kahit sabihin niya iyon ay talagang maghahanap ako ng trabaho. Hindi ako sumagot. Hindi ko maatim na manatili rito sa bahay gayong sa iisang plato na lang kami kumakain para lang makatipid sa tubig. Sa labas siya kumukuha ng tubig; sa poso. Buti nga'y mayroon dahil kung wala'y talagang pahirapan kami maligo. Tuwing umaga'y kumukuha siya roon. Kapag ubos na'y kukuha siyang muli.

"I'm sorry..." paumanhin ko. Ito na siguro ang muli naming pag-uusap mula noong nakaraang pumunta siya sa underground fighting.

"Matulog ka na." Aniya. Hindi na lamang ako nagsalita at nag-isip ng paraan kung paano ako makatutulong sa pinansiyal naming problema. Imbes na dati'y pansarili niya lang ang iniisip niya, ngayon ay pati ako kasama na.

Naghintay ako ng ilang sandali hanggang sa maging kalmado ang kanyang paghinga. Siguro'y tulog na siya.

Lumipad ang isip ko sa mga ibang pwedeng maging trabaho. Iyong independent. Gusto ko sanang magbenta kaso wala naman akong maititinda, kung mamalimos naman ako... hindi ko alam kung may posibilidad bang magkaroon kami ng malaking kita... o baka naman pwede akong magtanong kay Kyla ng mga trabaho?

Oo nga! Pwede!

Bukas ay pwede akong magpaalam kay Caspian kung pwede ba kaming magkita, alam kong hindi siya tatanggi dahil bukas ay wala naman siya rito. Hindi ko alam kung anong pinagkaka-abalahan niya pero sa mga nakaraang araw ay hindi niya na dinadala ang kanyang first aid kit, so malaki ang aking kutob na hindi na siya muling bumalik pa sa ilegal na trabahong iyon.

Baka naghahanap na siya nang mas maayos na trabaho?

Naputol ang aking pag-iisip nang bigla siyang humarap sa aking gawi. Mabilis pa sa kidlat akong nagkunwaring tulog. Hindi ako gumalaw ng ilang sandali. Katahimikan. Iyon lamang ang namagitan sa amin. Ang tanging naririnig ko lang ay ang nag-vivideoke sa hindi kalayuan, at ilang nagtatahulang aso.

Dahan-dahan akong nagmulat upang tignan kung tulog na ba siya ngunit halos mapatalon ako nang makitang nakatingin siya sa akin!

"Sabi ko matulog ka na." Aniya. Napakurap-kurap ako at nag-isip ng isasagot. Dahil nasa likod niya ang kandila, hindi ko sobrang makita ang kanyang mukha dahil sa dilim.

Basta't ang alam ko'y nakatingin din siya sa akin.

"Nakapaghanap ka na ba ng trabaho?" Tanong ko. Matagal ko nang iniisip na nag-aaral siya, at ngayon? May isa pa siyang alalahanin.

"Wala pa." Aniya bago bumangon. Muling humarap sa akin ang kangang likod.

Itinukod niya ang kanyang siko sa kanyang hita bago ginulo ang buhok.

"Kailan ang pasukan? B-balak ko rin sanang... mag-aral." Wika ko. "But you don't have to think about the expenses, ako nang sasagot sa tuition ko, kailangan ko lang ding makahanap ng trabaho."

Pleasure Of Destruction | R-18Where stories live. Discover now