Kabanata 14

13.6K 375 74
                                    

SPG: Sexual

Kabanata 14, Maghihintay

Hindi ko alam kung anong oras ako nakarating sa massage spa. Sa tingin ko'y kung thirty minutes at wala ako ay aalis na rin siya. Kaya ko iyong tiisin... basta't hindi ko iisipin.

Lutang ako noong inabutan ako ng uniporme. Ang sabi nila'y spare iyon. Iyon muna ang aking susuotin habang wala pa ang pinal kong uniporme. Kakasukat lang sa akin kanina.

Nandito ako sa locker habang pinagmamasdan sa salamin ang nakasilip na hiwa ng aking dibdib. Too much skin. Maging ang palda'y napaka-ikli. Hindi ito ang tamang sukat ko.

Nilaglag ko ang bagsak kong buhok at inilagay sa aking kanang balikat. Pagkatapos noon ay lumabas na ako. Bumungad sa akin ang ilang babaeng naka-uniporme rin. Tinitigan nila ako saglit. Nag iba'y umirap. Ang iba'y ngumiti. Hindi ko sila pinansin.

"Ivana!" Napalingon ako sa tumawag at doon namataan ko sila Berta at Mina. Kumindat si Mina sa akin at sinenyasan akong lumapit.

Tumango ako bago sila pinuntahan. Nang magkaharap kami'y agad nila akong inikot.

"Grabeng ganda ng katawan mo girl! Para kang diyosa! Ang laki ng pwet saka may dyoga!" Pinalo ni Berta ang aking pang-upo at agad akong pinamulahan. "Ang ganda-ganda mo pa! Tao ka ba?"

Pilit akong ngumiti. Buti na lamang ay nandito sila kung hindi ay kakabahan akong wala akong kakilala! "Room three!" Napatigil si Mina at agad na umayos ng tayo.

"Oops! May customer na ako! Maya tayo usap!" Hagikgik niya bago umalis. Hindi ko alam kung saan siya pumunta. Nasabihan na ako ruto kahapon. May naka-atas na kuwarto sa amin. Sa seven ako... si Berta ay nasa four. Magkalayo kami.

Kinausap niya ako saglit. Mga tips. Ang saad niya'y sa kalagitnaan ko aalukin ang lalaki kung gusto niya ng happy ending... kinilabutan ako sa ideya ngunit agad akong tumango. Pinasok ko ito. Wala akong karapatang mag-inarte.

Dumagundong ang puso ko noong may nagsabing may kukuha ng room seven. Suminghap ako at nauna na sa loob. Nanlalamig ang aking palad at talampakan ng buksan ko ito. Bumungad sa akin ang kulay itim na kwarto. Kung gaano kaliwanag ang labas, iyon ang dilim nito. Tanging kandila lamang ang nagsisilbing liwanag sa loob. May maliit na cabinet at may kung ano-anong ointment na nakalagay roon. Mayroon ding mga batong parang panghilod. May kulay dilaw na pasabit sa gilid at sa gitna'y may maliit na kama.

Sa sulok ay may parang kalderong naglalabas ng usok.

Hinawakan ko ang bato roon... nag sabi'y para ito sa hot stone. Kalaunan ay bumukas ang pinto. Kumalabog ang puso ko ngunit kalaunan ay kumalma rin ng makitang iyong babae sa counter iyon.

"Dapat hindi ka muna pumasok. Paunahin mo iyong customer. Tapos kunin mo sa akin iyong request niya." Aniya. Agad akong napangiwi at lumabas.

Sinundan ko ang babae at agad niyang inabot ang papel sa akin. May nakalagay roong 'one hour full body massage'.

"Room seven sir, sorry for waiting..." ani babae. Umangat ang tingin ko sa kanyang kausap at namataan ang isang lalaking naka-itim na T-shirt. Naka-pants din ito at mukhang bata pa. Magulo ang kanyang kulot na buhok at nang magtama ang aming tingin ay agad siyang ngumiti.

"Room seven?" Parang bata nitong tanong sa akin.

Natutop ko ang aking labi bago tumango. Walang sawang kumabog ang puso ko sa kaba ng magsimula siyang maglakad papunta sa nasabing room. Napalunok ako at pigil hiningang pinauna siya.

"Patanggal na lang po ng pang-itaas..." saad ko. Sinarado ko ang pinto sa aking likod at mabilis niyang hinubad ang kanyang damit. Pinatong niya iyon sa gilid ng kama.

Pleasure Of Destruction | R-18Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα