Kabanata 51

10.1K 272 54
                                    

Kabanata 51, Isola di Paradiso Terrestre

"Oh my gosh! Oh my gosh! Oh my gosh!" Paulit-ulit na sambit ni Ponnie habang bumababa kami ng eroplano. Hindi ko alam na malayo pala iyon at mula rito sa eroplano'y sasakay pa kami ng yate...

Puyat na puyat pa naman ako dahil hindi ako nakatulog nang maayos kagabi.

"Take a picture of me." Utos ni Ponnie kay Devon na nagsusuot ng kanyang butterfly sunglasses. Ginawa niya iyong hairband at mabilis itong inirapan.

"Can't you take a selfie?" Pagsusungit niya.

Ngumiwi si Ponnie at agad na bumaling sa akin. "Grumpy ass, kala mo naman bagay sa kanya yung salamin niya! Tse!" Pagpaparinig nito sabay abot ng kanyang iPhone sa akin.

"Papicture ako Ivana," kindat niya. Natatawa lamang akong napailing bago kinuha ang kanyang cellphone.

"Thank you so much!" Aniya sabay yakap sa akin. "Buti ka na, maganda na mabait pa, iyong isa mukha na ngang kuyukot, gaspang pa ng ugali!"

"What did you say?!" Alboroto ni Devon ngunit hindi na rin natuloy dahil sumungaw na ang naka-shawl na direktor namin. Ngiting ngiti ito, sa likod niya ay si si Carlos at ang ilan pang mga babae at lalaking kasama sa shoot.

Nang mamataan akong nakatingin sa kanya'y agad siyang nag-excuse kay sir Kyle upang makalapit sa aking gawi. Napasinghap ako at binalik na lamang ang tingin kay Ponnie na nakaposing na sa hagdan.

Tumikhim ako bago nagsalita.

"Three, two one..." Wika ko at pinicturan siya. Nagbago siya ng pose at muli akong bumilang. Pindot lamang ako nang pindot.

"Thank you!" Aniya pagkatapos. Bahagya pa siyang dumukwang para bumulong. "Landian well..."

Hindi na ako nakasagot pa dahil tuluyan na ngang nakalapit si Carlos sa akin. Kinindatan pa ako ni Ponnie habang naglalakad palayo.

Huminga ako nang malalim. Ngayon lang kami ulit nagkita mula ang insidenteng iyon. Hindi ko tuloy mapigilang makaramdam ng asiwa.

Tinignan ko siya at pilit na nginitian. Dinig ko ang kanyang pagbuntong hininga ngunit hindi na rin umimik.

Sinundan na namin ang ibang nagkukwentuhan. Sinalubong kami ng ilang lalaking naka-itim na polo, at itim na beach shorts upang makuha ang aming mga gamit. Nagtilian ang ilang mga babae dahil agad nila iyong natipuhan.

Napailing lamang ako at nagpatuloy sa pagsunod sa iba. Panay ang kuha ng litrato nila Devon at Ponnie sa mga nadaraanan. May ilan din kaming kasabay na mga turista. Karamihan ay mukhang mga may lahi.

"Ivana..." Napalingon ako ng magsalita na si Carlos. Nagtama ang aming tingin. Kinamot niya ang kanyang batok at bumuntong hininga. "I'm really really sorry, sabihin mo lang kung anong gusto mo para makabawi ako."

Umawang ang aking labi at agad na umiling. "It's okay Carlos, I swear."

Goodness, I really want him to drop this issue. Ayaw ko nang balikan pa. The truth is hindi namna talaga iyon big deal. Ang big deal lang ay ang hindi ko pag-rereact ng naaayon.

Kita kong nagdadalawang isip pa siya ngunit hindi na rin nagsalita.

"Wow!" Nawala sa kanya ang aking atensyon ng marinig ko ang ilang gulat na boses mula sa mga nauna.

Ginala ko ang aking mata at mula sa aming nilikuan ay nakita ko na ang hile-hilerang yate na halata mong sobrang gagara! Napasinghap ako! Pinaghalong ginto at puti ang kulay nito. Mula sa likod ay binasa ko ang gintong mga letrang nakaukit.

Pleasure Of Destruction | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon