Kabanata 58

10.2K 316 57
                                    

Kabanata 58, Closure

Napatakip ako sa aking bibig upang hindi niya marinig ang aking paghikbi.

Why are you doing this Caspian? Akala ko ba'y ayaw mo na? Masyado akong naguguluhan!

Nilayo ko ang aking cellphone bago pinalis ang bumagsak kong luha.

"Who are you to say that?" Mariin ang aking boses noong muli ko itong ibalik.

Hindi siya nagsalita sa kabilang linya. Napailing ako.

"Napakagulo mo." Pagkabanggit ko noon ay binaba ko ang tawag.

Nilagay ko iyon sa aking bag bago tinahak ang pinto.

Mabilis ko iyong pinihit. Muli kong inayos ang aking sarili ngunit agad din akong natigilan nang mamataan kung sino ang nakatayo sa harap ng aking kwarto.

Naka-gray siyang v-neck at shorts. Pagod ang kanyang ekspresyon noong binaling niya iyon sa akin. At kahit hindi kami sobrang magkadikit ay amoy ko ang alak sa kanya.

Naglaban ang aking isip kung haharapin ko ba siya o babalik ako sa loob. Kalaunan ay naisip kong dumiretso.

Suminghap ako at akmang hindi siya papansinin ngunit mabilis niyang hinablot ang aking braso.

Bago pa ako makapalag ay siya na ang humila sa akin papasok!

"Caspian ano ba?!" Nahimigan ko ang panginginig sa aking boses.

Muling umapaw ang kung anong emosyon sa aking dibdib!

Mabilis at malakas niya iyong sinarado. Napapikit ako noong tumama ang hangin sa aking mukha.

Pagkatapos noon ay marahas niya akong sinandal sa likod ng pinto. Napasinghap ako nang bumagsak ang tingin niya sa akin.

Halos mapaluhod ako sa kanyang harapan gawa ng panginginig ng aking tuhod!

"W-what's your problem?" Buong akala ko'y malakas ang aking magiging boses ngunit para lamang itong naging bulong!

Madilim ang kanyang ekspresyon ng kunin niya ang bag kong nakasabit sa aking balikat.

"Caspian!" Sita ko sa kanya ngunit hinagis niya lamang iyon palayo sa akin.

Kalaunan ay muli niyang pinukol ang kanyang mata sa aking direksyon.

"You're not going anywhere." Mahina niyang bulong.

Akmang aapela pa ako ngunit mabilis niyang inangat ang aking kamay pataas ng aking ulo.

Bago pa ako makapagsalita'y mabilis siyang dumukwang upang abutin ang aking labi!

Nanlaki ang aking mga mata sa gulat!

Nalasahan ko ang alak sa kanyang labi! Halos bumagsak ako sa aking kinatatayuan at buti na lamang ay hinahawakan niya ako dahil kung hindi'y baka nakadapa na ako sa kanyang harapan!

Namungay ang kanyang mga mata noong mamataan akong dilat.

Parang kidlat na gumapang ang kuryente sa aking balat. Kinulong niya ang dalawa kong palapulsuhan sa kanyang kanang kamay. Ang isa naman ay pumirmi sa aking panga.

His tongue savoured every corners of my mouth. Familiar gush of heat flood through my veins.

Dahan-dahang inaalis ng aking utak ang mga hinanaing ko kung bakit niya ito ginagawa.

Suminghap ako. Bahagyang natatalo ng init ng katawan!

"Caspian!" Halos sampalin ko ang aking sarili ng paungol itong umalpas sa aking bibig.

Pleasure Of Destruction | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon