Kabanata 28

11.9K 266 21
                                    

Kabanata 28, Great

Mabilis akong napangiwi habang pinagmamasdan ang sunod-sunod na pagbagsak ng ulan. Hindi kami makalabas ni Caspian dahil mababasa kami! Nandito pa kami sa bahay at napakalakas ng ulan!

"Baka may bagyo." Aniya habang tinitignan ang motor na bahagyang nababasa sa lakas ng hangin.

"Baka." Maikli kong sambit.

Mabilis akong pumasok bago umupo sa kama.

Mabilis na tumutulo ang tubig mula sa bubong kaya kanina'y naglagay na kami ng timba para hindi bumaha sa loob.

Kanina pa itong madaling araw at buong akala ko'y titigil na pagdating ng alas diez ngunit wala pa rin.

Umabsent na ako sa isa kong klase... buti na lang ay hindi ko pa iyon name-meet para puro briefing muna.

"Sa tingin mo may pasok pa?" Tanong ko.

Bumuntong hininga siya. Wala kaming TV. Wala kaming alam sa balita.

"Ah... puntahan na lang natin sila Kyla, itanong natin kung mayroon pa." Saad ko.

"Yeah that's what I'm thinking." Ngisi niya. "Dito ka na lang, ako na lang ang pupunta."

Napanguso ako. Ayaw ko namang magpumilit dahil kung tutuusin ay sagutin niya pa ako. Dagdag sa hassle. Mas maganda ngang iisa lang.

Pumayag ako at pinanood siyang isaklob ang itim niyang jacket. Hindi na siya nagsuot ng helmet ng sumakay siya sa motor.

"Ingat ka." Paalala ko.

Nginitian niya ako at agad na sumaludo. Pagkatapos noon ay pinaandar niya na ang sasakyan. Pinagmasdan ko lamang ito palayo.

Naghintay ako sa kama habang nag-iisip ng dapat kong gawin. Ang isang plangganang nilagay namin sa gilid ng kama'y mapupuno na. Kailan kaya titigil itong ulan?

Dinampot ko ang puting basahang ginamit namin kanina bago pinunasan ang mga nabasang parte. Inurong din namin ang lamesa dahil nababagsakan ito ng tubig. Sabi ni Caspian ay bibili raw siya ng pantapal kung makakapunta kami sa palengke.

Ilang sandali pa ang lumipas hanggang sa dumating muli si Caspian. Basang basa ng ulan. Hindi na siya nakasaklob ang hood sa kanyang ulo. Nang dumating ay nginitian niya ako. Agad akong naghagilap ng tuwalya para mapunasan niya ang nabasa.

Umiling siya.

"Di na raw papasok si Chester." Bungad niya. "Pero hindi pa nag-aannounce sa balita."

Napa-buntong hininga ako. Sa tingin ko'y magsususpend din naman, kanina pa ganito!

Buong akala ko'y papasok na siya pero nanatili siya sa labas.

"Pumasok ka na baka magkasakit ka!" Sita ko.

Pinilig niya ang kanyang ulo. "Pupunta muna ako sa palengke. Bibili ako ng pantapal para hindi na tayo tumulo."

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Malakas ang ulan! Pag tumila na!"

"Para mailagay kaagad." Pakikipagtalo niya. "Saglit lang naman."

Napahilot ako sa aking sentido. Hindi talaga siya nagpapatalo.

"Mamaya na." Mariin kong saad.

Napanguso siya. "Saglit lang nga..." lumambing ang kanyang boses.

Kita ko sa kanyang mata ang panghahalina niyang pumayag ako. Kinuyom ko ang aking bagang. Ah... gusto mong umalis.

Pleasure Of Destruction | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon