Kabanata 24

12.8K 277 16
                                    

Kabanata 24, Go with me

Ilang araw ang lumipas mula ng bumalik si Caspian sa kanyang bahay. Ngayon ay nandito kami sa palengke ni Kyla para bumili ng school supplies dahil nalalapit na ang pasukan.

Nag-enroll na rin kami kahapon kaya wala na akong problema. Nakuha ko na rin ang schedule ko. Balak ko sanang kumuha ng HRM para kung makaahon ay pwede akong makapagtrabaho sa ibang bansa.

"Bakit hindi ka nag-enroll ngayong taon?" Tanong ko habang tinitignan ang isang notebook na may design ng mga artista.

Napangiwi ako at agad iyong nilapag. Tinignan ako ng batang babaeng nasa aking gilid at siya ang kumuha noon.

"Para may pang-aral pa si Chester sa susunod na taon." Aniya. Nilingon ko siya at hindi niya ako tinapunan ng tingin.

Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng awa. Siguro'y talagang mahirap ang buhay kaya talagang kinailangan pa ni Kyla na tumigil.

Parang kay Caspian. Siguro'y sa hirap ng buhay ay talagang kinailangan nilang tumigil para lang makapagpaaral ang iba pa nilang batang kapatid.

Hindi gaya sa akin... hindi ko iyon naranasan dahil wala naman akong iniisp na iba kundi ang sarili ko.

Buong lakad namin ay hindi na ako umimik. Nang mag alas dos ay umuwi na kami. Wala pa si Caspian. Alas siyete ang madalas niyang uwi kaya wala pang masyadong nambubulabog sa akin.

"Ivana." Tawag ni Kyla habang nagpupunas ako ng lamesa.

Nilingon ko siya at namataang mukha siyang nag-iisip. "Bakit?" Tanong ko.

"Hindi sa pinapatalsik kita sa bahay..." aniya. "Pero babalik na kasi si lolo." Namataan ko ang pag-aalinlangan niya.

"Sorry Ivana, pwede bang kay Caspian ka muna ulit? Pag umalis siya pwede ka namang bumalik..."

Umawang ang aking labi. Hindi ko pa naintindihan noong una pero agad ding natauhan.

I have nothing against her decision. Pero naiisip ko ang dahilan ng kanyang pagpapalipat sa akin ay walang iba kung hindi pera.

Siguro ngayon ay mas lalo silang nalugmok dahil dumagdag ako! At iyong pagpapa-enroll pa. Ang dami niyang ginastos sa akin!

Napalunok ako. "No problem." Saad ko at ngumiti.

"Sorry talaga Ivana, pwede ka namang bumalik dito pag nagpa-Laguna siya ulit."

Ngumiti lamang ako.

Iba talaga ang nagagawa ng pera. Kung ang mayayaman ay naiisip nilang gumasta kasi alam nilang marami sila, kaming naghihirap ngayon... kailangan pang mag-ipon.

Kung mananatili ako rito, magiging apat ang pakainin. Hindi naman ganoon kalakihan ang sweldo ni Kyla. Maliban pa roon, ang inabot ko sa kanyang pera noong nakaraan ay malamang sa malamang ay paubos na rin.

Wala naman akong ibang pinaggagastusan kaya sa kanya rin ang punta. Noong una'y ayaw niya pero dahil mapilit ako'y tinanggap niya na rin.

"Huwag mo sanang masamain Ivana..." aniya.

Umiling ako. "I understand."

Buong maghapon ay iyon lamang ang aking inisip. Noong tinanong ko siya kung kailan dadating ang kanilang lolo'y sinabi niyang sa susunod na araw.

Ang sarap pukpukin ng ulo ko. Wala akong maisip na paraan para matulungan sila!

Kung pwede ko lang kunin iyong mga perang naipon ko sa mansyon... tumiim ang aking bagang.

Pleasure Of Destruction | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon