Kabanata 16

15K 344 86
                                    

Kabanata 16, Meet

Bangag ako kinabukasan. Hindi ko alam kung tulog nga ba ang aking ginawa o kurap. Inayos ko ang aking buhok bago napagdesisyunang bumangon. Pagbukas ko ng pinto'y nakita ko kaagad si Chester na umiinom ng kape. Nang nilingon niya ako ay agad siyang nag-iwas ng tingin.

"Gandang umaga." Bati sa akin ni Kyla. Nang makita ang aking hitsura'y agad siyang natigilan, "okay ka lang?"

Pilit akong ngumisi at tumango. Bago niya pa ma-segundahan ang kanyang tanong ay nagtama na ang tingin namin ni Caspian. May hawak itong mug na bahagya niya pang iniihipan!

Napatingin ako sa kanyang labi sanhi para pamulahan ang aking pisngi! Nag-iwas ako ng tingin at dali-daling dumiretso sa kusina para makakain. Don't think about it. Nakalimutan na nga niya iyon!

Hindi ko sinasadyang mapatingin ako sa sink at kusa akong inanod ng alaala mula kagabi! Suminghap ako at naghagilap ng kutsara't tinidor.

"Aalis ka?" Napalingon ako sa nagsalita. Nakasandal ito sa hamba ng pintuan habang nakatingin sa akin. Napalunok ako at nagpatay malisya.

"Hindi." Pagsisinungaling ko para hindi niya na ako guluhin.

Huminga siya nang malalim bago tinahak ang upuan sa aking tabi. Kinagat ko ang loob ng aking pisngi at hindi siya pinansin. Nilapag niya ang baso sa lamesa bago humarap sa akin. Kumuha ako ng kanin at hotdog. Mahina akong humiling na sana'y pumasok dito si Kyla para hindi awkward!

"How was your sleep?" Nahimigan ko ang rahan sa kanyang boses. Agad akong nanibago. Tinuonan ko ng pansin ang pagkain.

"Good." Panandalian siyang nanahimik.

Lumingon ako sa likod para tignan kung papasok ba sila Kyla ngunit namataan kong nag-uusap sila ni Chester sa labas. Napahawi ako sa aking buhok ng ibalik ang atensyon sa aking kinakain.

"Kamusta ang pakiramdam mo?"

Muling bumalik ang namimilipit na sensasyon sa aking sikmura. "Bakit niyo ba ako kinakamusta? I'm fine."

Namangha ako sa aking sarili ng mapagtantong buo ang aking boses. Kinuha ko ang baso sa aking gilid at ininom ang laman. "You look pale. Dahil ba sa nangyari kagabi?"

Pagkasabing pagkasabi niya noon ay agad akong nasamid! Sunod-sunod ang aking ubo habang iniisip ang nangyari kagabi! Goodness! Naramdaman kong hinagod niya ang aking likod sanhi para bahagya akong umiwas.

Hindi pa ako tuluyang nakakabawi pero pinilit ko nang magsalita. "Anong nangyari kagabi? Wala namang nangyari kagabi."

Pagkasabi ko noon ay muli akong naubo! Kainis!

Namataan kong nagseryoso ang kanyang mukha sa aking sinabi. "You think I forgot what happened last night?" Aniya.

Nanginig ang aking kamay at mabilis siyang nilingon. Kitang kita kong sigurado siya sa kanyang sinabi! "Wala namang nangyari. Baka nananaginip ka lang."

Nagmamadali kong pinuno ang aking bibig para mabilis matapos. Tinitigan niya lamang ako. "Bakit parang ikaw pa ang lasing?"

Uminit ang aking pisngi! Naaalala ko pa ang nangyari kagabi! Pagkatapos niyang sabihin ang katagang iyon ay nagmamadali na akong bumalik sa kwarto ni Kyla! Hindi na ako umimik pa! At iyon ang dahilan kung bakit kulang ako sa tulog. Siguro'y hindi muna ako magtatrabaho ngayon...

"Look." Panguna ko. "Naiintindihan kong lasing ka. Kalimutan natin ang nangyari. Halik lang iyon." Paglilinis kamay ko.

Namataan ko ang paghigpit ng kapit niya sa baso! Napatingin ako sa ibang bagay at nagkunwaring hindi iyon napansin. Muli akong sumubo.

Pleasure Of Destruction | R-18Where stories live. Discover now