Wakas

16.9K 467 166
                                    

Thank you so much for reading Pleasure Of Destruction! Hindi po ito aabot dito kung hindi ako inspired sa inyo :(( huhuhu! Although natapos man iyong POD, makikita niyo pa rin sila sa mga susunod na series :> next story will by Cyprian's hehehe!

And, pwede niyo na pong mapakinggan ang playlist ng POD sa spotify! Just search for: regnares and nandoon na po siya! Mwaps!

Take care po kayo always! Always! Always! Wash your hands and boost your immune system! I love you all!

Wakas

There's only one thing I've always wanted to have before I met her. To secure my future. To do my work not as an obligation but as a passion.

To become successful not because of the wealth that my Dad has. But because, the efforts I've done finally paid off.

But the moment I'd set my eyes on the girl waving at the people, smiling, laughing while promoting the works of her father...

I think I felt something much more important.

I want to take care of someone. I want her.

I want to secure her in my arms every night before she goes to sleep, and to kiss her when she finally wakes up.

That's what I felt. And it never faded... I don't think it will...

Nanatili ang aking tingin sa babaeng mahinhing nakangiti sa mga nakakasalubong na tao. Binasa ko ang tarpaulin na nakalagay sa unahan ng kanilang pick up at namataan ang, 'Ferdinand Ruellos'.

Suminghap ako bago binuga ang usok ng aking sigarilyo.

Hmm... is that her daughter?

"Kuya ano ba?" Bumalik ako sa huwisyo ng marinig ang boses ng aking kapatid.

Binaling ko ang aking tingin kay Cyprian na mukhang iritado.

"I told you, I'm not going back." Saad ko bago muling binalik ang mata sa babaeng ngayon ay lalagpasan na ang aming pwesto.

Damn... she's...

"Hinahanap ka na. Kailan mo ba babalaking bumalik? Pag patay na si dad?" Kinuyom ko ang aking kamao ngunit hindi umimik.

Damn it.

Anong mapapala ko sa Rio Moneca? Ayaw ko ngang magpatakbo ng negosyo. Gusto kong maging arkitekto.

Pero hindi iyon naiintindihan ng aming ama. Kailangan ko pang tumakas para lang matupad ang mga gusto ko.

"Bumalik ka na! Nag-aalala rin kami!" Hindi na ako umimik pa.

Buo ang aking desisyong dito mag-aaral. Wala akong kukuning pera sa kanila. Bubuhayin ko ang sarili ko nang ako lang.

Nagtiim bagang ako bago muling pinasadahan ng tingin ang babaeng masayang tinatanaw ang mga tao.

Saglit na nagtama ang aming tingin at agad akong natigilan.

Did she see me..?

"Maraming salamat!" Ani Kyla pagkatapos mabuo ng iginuhit kong bahay.

Nasayang ang isang taon ko sa kursong hindi ko gusto. Pero sa tingin ko'y mula sa pag-aaral kong mag-isa'y nagkaroon na rin ako ng kaalaman para makaguhit ng isang matibay na bahay...

"Caspian Arciaga!" Umalingawngaw ang sigawan sa loob ng ring pagkatapos iangat ang aking braso. Palatandaang ako ang nanalo.

Wala akong ibang kukuhaan ng perang may malaking kita. Ito lang.

Inapakan ko ang aking sigarilyo bago nilakad ang direksyon ng ilog.

Paiba-iba ang lugar ng laban at dito kami na-destino sa Sta. Lucia. Ilang sakay pa bago makauwi.

Pleasure Of Destruction | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon