Kabanata 15

14.9K 377 38
                                    

Kabanata 15, I wouldn't

"Sino iyong lalaking iyon?" Ani Caspian. Nasa loob kami ng karenderya upang magpahimasmas.

Hindi ko naman masabi kung sino talaga.

"Sinundan niya lang ako bigla." Wika ko. Hindi naman ako nagsisinungaling. Totoong sinundan niya na lang ako.

"Mula saan ka pa niya sinundan?" Kumuyom ang aking kamao. Kanina pa siya tanong nang tanong... kanina pa ako isip nang isip ng palusot!

"S-sa Losuange, balak ko kasi sanang bumili ng damit sa ukay-ukay."

Goodness... I'm so sorry for lying.

Kumuyom ang kanyang kamao. "Fuck that piece of shit."

Suminghap ako at pinanood ang kanyang reaksyon. Hanggang ngayon ay madilim pa rin ang kanyang mukha pero hindi gaya kaninang parang handa niya ng patayin ang lalaki.

"Calm down, wala na. Nangyari na. Tapos na." Hindi lumambot ang kanyang emosyon sa aking sinabi.

"Paano kung nahila ka niya sa kung saan?" Mariin siyang napapikit. Hinilot niya ang kanyang sentido bago ako tinignan. "You'll drag me to jail, Ivana."

Muling nanlambot ang aking kalamnan sa kanyang sinabi. Iniwas ko ang aking tingin sa kanya dahil pakiramdam ko'y kung magtatagal pa iyon ay pati ako malulusaw na!

"If I could only..." nakita kong muli ang panginginig ng kanyang kamao na tila ba'y handa na ulit siyang manuntok!

"Caspian!" Tawag ko sa kanya. Hindi siya umimik.

Hindi rin muna ako nagsalita at pinakiramdaman siya. Kitang kita ko ang natuyong dugo sa kanyang suot na grey v-neck. Mabuti nga'y nakapaghugas siya ng kanyang kamao dahil kanina halo mapuno ang braso niya noon...

Tumikhim ako at marahan siyang tinignan. "Thank you..."

Mabilis kong ibinagsak ang tingin sa lamesa para hindi niya mahalata ang aking hiya.

Narinig ko ang kanyang pagsinghap. Hindi ko siya tinignan ulit.

"Saan ka ba galing?" Naging mahinahon ang kanyang boses.

Napalunok ako kasabay ng ngayon lang na pagdating ng kanyang inorder na bulalo. Hindi ako mahilig sa ganito pero gawa na rin ng gutom ay bigla akong natakam.

Panandalian kong nakalimutan ang aming pinag-uusapan ng bigla siyang nagsalita ulit. "Saan ka galing?" Ulit niya.

"At nasaan iyong pinamalengke mo?" Dinig ko ang paghihinala sa kanyang boses. Napaiwas ako ng tingin habang pilit na nag-iisip ng dahilan.

"Nahulog noong sinubukan kong makawala. Hindi ko naman pwedeng damputin ulit dahil kakainin niya ang oras ko, kailangan kong makaalis kaagad." Namangha pa ako sa aking sarili noong hindi ako nautal. Kinagat ko ang aking dila pagkatapos.

Hindi ko alam na gumagaling na ako sa ganito. Hindi ulit ako umimik at pinagtuonan ng pansin ang pagkain sa aking harapan.

Tinutok ko roon ang aking atensyon para makita niyang mamaya niya pa ako pwedeng kausapin.

"Bakit hindi mo ako kinita kanina? Hindi ba sinabi kong magkita tayo sa school?"

Humigop ako ng sabaw bago bumaling sa kanya. "Akala ko'y uuwi ka na pag hindi ako sumipot."

Napasimangot siya sa aking sagot.

Kinagat ko ang aking labi at muling humigop.

Noong nakalahati ay doon ko lamang napagtantong isa lang ang inorder niya!

Pleasure Of Destruction | R-18Where stories live. Discover now