Kabanata 23

13.5K 322 111
                                    

Kabanata 23, Prove it

"Why are you so mad?" Tanong ko noong matapos kaming kumain.

Ramdam ko ang tigas ng kanyang braso sa aking baywang habang ginigiya niya ako palabas.

Binalingan niya ako saglit at muling bumalik sa harap ang tingin.

"Nagseselos ako." Mabilis niyang saad.

Nalaglag ang aking panga. Sinubukan kong humiwalay ngunit mas humigpit ang kanyang kapit sa akin.

"Tch." Aniya. "Para makita niyang hindi ka na pwede."

Hindi ko agad nakuha nung una pero kalaunan ay napagtanto kong ang paghawak niya sa akin ang kanyang tinutukoy.

Hindi ko alam kung saan ba siya nagseselos e wala namang nangyari! Ang alam ko lang ay nagseselos siya roon sa waiter, pero wala naman iyong ginagawa!

"Hindi naman nakakaselos iyon hah?" Iling ko.

"For fuck's sake Ivana, nakita mo ba kung paano ka niya tignan?" Mariin niyang tanong.

"Tingin lang iyon!" Pakikipagtalo ko.

"Hindi lang tingin!" Asik niya. "That's the look of lust!"

Tiniim ko ang aking bagang. "Then so be it! Tapos na, nakalabas na tayo!"

Nag-igting pa rin ang kanyang bagang. "Galit na galit ka pero ganoon ka rin naman." Bulong-bulong ko.

Mabilis siyang natigilan. Napalingon ako sa kanya.

Sinalubong niya ako ng kunot na noo. "Kasi ako iyon. Ako lang may karapatan. Ako lang dapat."

Napakurap ako sa kanyang sinabi! May kung anong nabuong boses sa aking lalamunan na tila ba'y gustong kumawala!

Hindi na ako nagsalita dahil pakiramdam ko'y ako lang ang maglalaglag sa aking sarili.

Nagpatuloy na lang akong maglakad at muli siyang sumunod at muling pinulupot ang braso sa aking baywang. Buong akala ko'y bibitaw na siya kalaunan ngunit hindi.

Ngunit hindi gaya kanina'y mas lumuwag ang kanyang hawak sa akin.

Tinutop ko ang aking labi. Mas mabuti pang ibahin ko ang usapan. Hindi ko na ulit io-open iyong topic na iyon para maiwasan namin ang mag-away.

"Saan na tayo?" Tanong ko.

Ngumuso lamang siya sa hindi kalayuan. Hindi ko sobrang maaninag ngunit namataan kong may barricade doon kung saan may malinis na umaagos na ilog. May mga bench din malapit at may mga posteng nakatayo. May mga teenagers na nagpapa-picture, may mga taong naglalakad-lakad. May mga nagde-date at marami pang iba. Sa gitnang parte ay may hagdan at may nagmistulang bridge! May mga tao rin doong umaakyat. At sa bridge ay may mga nakasilip na tila ba'y tinitignan kung ano ang hitsura ng tubig mula sa taas!

Malinis ang lugar at maraming mga ibong dumadapo! Napaka-ganda!

"Woah..." ani ko. "Bakit ka nakakapasyal? Hindi ba may trabaho ka ngayon?" Tanong ko pagkabaling sa kanya.

"Trabaho nga." Aniya.

"Hindi naman ito trabaho." Kunot noo kong saad.

Pinasadahan niya ako ng tingin. "It's my job to bring you somewhere..."

Nahulog ang aking panga. "Hindi ka pumasok sa totoo mong trabaho dahil dito?"

Umiling siya. Mabilis akong tumigil.

"Oh please!" Wika ko.

Natawa ito. "I'm doing my work with you angel, don't worry."

"With me? Nasaan ang trabaho mo rito?" Asik ko.

Pleasure Of Destruction | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon