Fifty Six

1.8K 73 30
                                    

"Mabubuo ba nila ako kapag ipinakita kong nadudurog na ako? Mawawala ba yung sakit na nararamdaman ko kapag nakita nilang umiiyak ako?"

••••

#ElitesApoy


°°
Blaze Anthony Dalton



"Dalton?"

"Hmm?"

"Mabigat?"

"Tinatanong mo pa?"

"Palit tayo."

"Tch. Ikaw ang lasing tapos ako ang papasanin mo? Nagiisip ka pa ba?"


Naiirita kong tanong sa kanya.


Napapagod na nga ako dahil pasan pasan ko s'ya sa likod ko, usap pa ng usap. Lalo akong mawawalan ng hangin sa katawan eh.


"Eh 'di kapag hindi na 'ko lasing!"


Tch, ang daldal n'ya pala malasing. Mas gusto ko pa ata yung matinong Candid kapag hindi nakakainom eh.

"Bakit mo naman ako papasanin? Tumahimik ka na nga lang."


Muli akong bumwelo para iayos s'ya ng pagkakababa sa'kin. Kaunti na lang naman, malapit na kami sa elevator. Ayaw kasi magpauwi sa bahay nila. Dito na lang daw sa HFA sa unit na tinutuluyan n'ya ko s'ya ihatid.


"Sira ka ba? Eh nagrereklamo kang mabigat eh, 'di palit tayo!" maktol pa nito sa likod ko.


"Pwede ba huwag kang malikot? Papasok na tayo sa elevator. Baka mainis lang ako sa'yo ikulong pa kita sa loob."


Kung bakit ba naman kasi hinayaan ko s'yang maglasing. Ako tuloy ang napoporwisyo!


"Ayaw, Blaze! Baka may ahas!" muli s'yang naglikot na iiling iling. "Baka malingkisan na naman ako."


"Pfft!"


Muntik ko na s'yang mabitawan ng impit akong matawa sa sinabi n'ya. Parang bata pa ang boses na parang takot na takot.

"Okay. Kung ayaw mo makakita ng ahas, behave okay?"

Damn it.


Hindi ko maiwasang mapangisi. Alam n'ya kaya na ganito s'ya malasing? Parang gusto ko ng bawiin yung naiisip ko kanina na mas gusto ko yung Candid na tahimik, masungit at mayabang kapag hindi lasing.


"Okay. Gusto ko lang naman sabihin kasi na..na pwede naman tayong magpalit kung gusto mo malaman kung anong mas mabigat." malamlam na sabi n'ya.

ELITESWhere stories live. Discover now