Thirty Four

2.2K 96 22
                                    


Candrei Kurt Rosales

Kanina pa ako tingin ng tingin sa kanya  at hindi nya napapansin na pinapakiramdaman ko ang kinikilos nya magmula pa kahapon.

Natural na talagang tahimik ang kapatid ko na ‘to. Pero iba ang pananahimik nya ngayon, nakakatakot.

Nung una, inakala kong dahil yun sa red invitation na inabot ko sa kanya kahapon. Pero hindi pala. Bago ko pa man yun iabot sa kanya, may iba nang bumabagabag sa kanya.

Parehas na parehas talaga kami na malihim kapag may mabigat na masyadong problema. Ang maganda lang sa samahan namin, kapag alam naming mabigat, timing lang ang hinahantay namin bago ikwento sa isa’t isa. Iwas dagdag sa kanya kanyang isipin.

“Mabubusog ka nyan katititig sa pagkain. Hindi naman yan basta lilipad sa bibig mo para makakain ka.” tamad itong nagangat ng tingin sa’kin.

“Oo nga man Candid. Sige ka, baka mawalan ka ng energy mamaya.” biglang singit ng isang boses sa usapan namin ni Candid. Kasabay rin noon ang pagdaan nito sa gilid ko habang dala dala ang tray nyang naglalaman ng pagkain.

Makahulugan nyang binitawan ang huling salitang binanggit at mapangasar ng ngumisi kay Candid.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mahigpit na pagkapit ni Candid sa basong naglalaman ng tubig. Deretso nya itong ininom at inubos.

“Sino yun?” takang tanong ko sa kanya.

“Yun ba? Isang baliw na nagpapanggap na matino.iwas tingin nyang sagot.

Hay nako kakambal, alam kong gwapo ako pero hindi ako uto uto.

Sinulyapan ko ang babaeng nagpahaging kay Candid. Nakaupo na ito sa isang table kaharap ang iba pang kasama nito.

Hindi nakaligtas sa’kin ang matalim na paninitig nya sa kapatid ko. At nang mapansin nyang nakatingin rin ako sa kanya ay agad syang nagiwas ng tingin.

Anong energy ang sinasabi nya kay Candid para mamaya?

Palihim kong pinagmasdan muli ang kapatid ko habang kumakain ako.

Pinasya kong sumabay sa kanya ngayon dahil napapagod na akong pumuli kung sino ang isasabay ko. Ang dami dami nila. Buti sana kung chicks lahat, yung iba hindi ko maipaliwanag ang itsura.


Mabuti na lang din at wala si Ellie. Naiirita ako sa kadaldalan ng babaeng yun.

Muli kong sinulyapan ang babaeng nagpahaging kay Candid habang umiinom ako ng tubig. Muli ko na naman syang nahuling nakatingin kay Candid. At mabilis na  nagiwas na naman sya ng tingin ng makahulugan ko syang titigan.

Naningkit ang mata ko sa ginagawa nya. Masyado syang halata.

I'm going to protect my sister at all cost.

Alam kong kaya nyang ipagtanggol ang sarili nya. Pero hindi nya ako naging kakambal para pabayaan syang magisa sa mga laban nya.

ELITESWhere stories live. Discover now