Sixty Four

1.4K 74 48
                                    

An : Sa mga nagtatanong sa'kin via PM sa FB, wala po akong ibang maisasagot ng clue kung hindi huwag nyong laktawan ang lyrics. Mahalaga yun. ;) Much better if papakinggan na rin :D Underwater By: Nikki Flores

Ps. Sa Oct 19 na bday ko, pabirthday nyo nalang po ang comments or feedbacks tungkol sa story ah? Highly appreciated po, promise! :D
Ig: @missyoung_myf
FB: Maybe Young

•••

#ElitesBlaze


If I could draw a line around myself
If I could be invisible, no one could hurt me now
And I would never need nobody else
But it's too late..


Hindi ko maintindihan kung mapaglaro ba ang tadhana o sadyang sinasadya n’yang pabigatin ang loob ko.


Bakit naririnig ko na naman ang kantang ‘to?


Sariwang sariwa pa sa isip ko lahat ng nangyare. Pero ngayon parang lalo ng hinihiwa ng kantang lumalabas sa sound system ang buong sistema ko.

Dalawang gabi na akong hindi makatulog ng maayos. Kahit anong pikit ko, paulit ulit na bumabalik sa isip ko ang bawat detalye ng mga nangyare. Simula sa umpisa hanggang sa huli. Simula sa pagkanta n'ya hanggang sa tuluyan kaming paghiwalayin ng malakas na apoy.

Patuloy akong linalamon ng konsensya ko. Wala akong nagawa at hanggang ngayon wala pa rin akong magawa.

Kasalanan ko ba?


♪ You're everything I swore I'd never be
You're making me want something I was doing fine without
Like a wave, you're crashing over me
And it's too late... it's too late..


“Babe, okay lang naman sa'yo right? Besides, two nights lang naman. You can join if you want to.”

Hindi sinasadyang napatitig na lang ako sa mga kamay ko. Kamay na huling humawak sa kamay n'ya bago s'ya tuluyang kunin ng nagaalab na apoy mula sa'kin.


Kapag paulit ulit kong binabalikan ang eksaktong sandaling yun, hindi ko maiwasang manlumo at masaktan. Gusto kong sisihin at bugbugin ang sarili ko.


Bakit pinabayaan ko lang?


Bakit binitawan ko lang?

“Babe?”

I'm over my head and there's no way out
It's like I'm underwater trying not to drown
The harder I fight, the deeper I fall
What am I so afraid to risk it all?
I wish that I could hear, but I can't remember how
And the tide can't save me now
I'm underwater...

ELITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon