Sixty Two

1.3K 68 50
                                    

An: Kung may hinanakit kayo matapos n'yong mabasa ang chapter na ito, kausapin at follow n'yo lang ako sa IG : missyoung_myf  ;)

°°°°
#ElitesWalangIyakan


“Ano pang balak mo i-give up? Iniwan mo ang Dance Club. Iniwan mo ang pagiging assistant ni Blaze. Sooner or later, iiwan mo rin ang Brice. So tell me, ano pang balak mo iwan?”

Napatulala na lang ako sa tanong ni Ellie.

“Ako rin muntikan mo ng i-give up. Talagang allergic ka Bes maging masaya ano?” pabiro pero sarkatika nitong tanong pa.

Wala akong balak sagutin ang mga tanong na yun.

Kahit alam ko ang isasagot.

“Oh, meryenda nyo.” wala sa loob na sambit ni Kurt ng ilapag n'ya ang pagkain sa center table.

“Wala ka ba talagang ibang alam lutuin at ihanda na walang kinalaman sa hotdog? Eh hotdog sandwich pa rin yan eh!” reklamo ni Ellie habang nakatingin sa pagkaing nakahain na sa harapan namin.

“Ang reklamador mo naman. Pinagmemeryenda ka na nga nagrereklamo ka pa imbes na magpasalamat.” sabay alis ni Kurt sa harapan namin na sinungitan lang si Ellie.

“Bakit ang sungit ata nun ngayon? Binibiro lang eh.”

Wala yun sa mood, dahil sa'kin. Sino ba namang matutuwa na suspended ako ng isang linggo? Kahit si Mama hindi pa alam. Pinakiusapan ko rin si Kurt na huwag ng ipaalam at hindi pa rin naman si Mama uuwi.

“So anong plano mo the whole week?”

“Dito sa bahay?” obvious na sagot ko.

“Aside from that. Are you having a plan of going out or anything else?”

“Wala.”

“Good! Kasi ako meron bukas. Hindi pwedeng hindi ka sumama.”

Nagrereklamo s'ya sa meryendang inihain ni Kurt, pero ngayon nilalantakan na n'ya.

“Hindi ako sasama.”

“What? Tinatanggihan mo na ko Bes?” pagiinarte nito na parang nagtatampo.

“May lalakarin kami nila Ced.”

“Akala ko ba wala kang plano?”

“Sa ibang araw oo, pero bukas meron.”

“Saan?”

“Personal matters.”

“Ang daya mo naman ih! Kung ako na lang kaya ang sumama?”

“Gusto mo pa bang makauwi ng buhay?”

Natigilan s'ya sa tanong ko at saglit na napatitig sa'kin.

ELITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon