Seventy Nine

1.2K 65 23
                                    


°°°





“Kunin ko lang sa unit ko ang susi.” Blaze told Lacey and glance at me. “I'm leaving her for a minute, you take care of this Babe.”  Matamis n'yang pagkakasabi at mas tumamis pa iyon ng tignan at ngitian n'ya si Lacey bago s'ya humakbang papalayo.




Gusto kong masamid. Babe naman pala n'ya, hindi ko Babe, kaya bakit ko titignan para sa kanya? Yaya na ba ako ngayon? Ako ba yung boyfriend?




Hindi ko alam kung magsasalita ba ako o titingin sa kaharap ko ng makaalis na si Blaze. Pero sa huli, nagpasya akong ligpitin ang mga kalat sa center table. Ibabalik ko na lang sa kusina. Hindi ko maatim ngayon na nasa iisang kulob na lugar kami ng taong kaharap ko ngayon. Kung pwede ko lang sana s'yang walk outan, ginawa ko na. Pero alam kong magagalit lang si Blaze kaya wala akong choice.



“Candid..”




Saglit akong natigilan sa pagtawag n'ya sa pangalan ko. Pero muli ko pa ring ipinagpatuloy ang pagliligpit dahil wala sana akong balak na kausapin s'ya.





“Please..can we talk?”




Dahan dahan kong muling inilapag ang mga bibitbitin ko na sana papuntang kusina. Tumuwid ako ng tayo at tamad s'yang tinignan.





“About Blaze.” Malumanay n'yang dugtong sa sinabi.



Natawa ako ng mapakla na sinadya ko talagang ipinarinig sa kanya.




“Ah, tungkol kay Blaze pala. Akala ko tungkol sa..” I sarcastically stated, and chose not to finish my statement.





Lalong bumagsak ang expression ng mukha n'ya sa sinabi ko.





“May dapat ba tayong pagusapan tungkol sa boyfriend mo?” I impatiently asked her.




Wala akong balak makipagusap sa kanya ng matagal. Hanggat maaari, iniiwasan ko muna sana s'yang muling makaharap. Pero ngayon, gusto n'yang makipagusap at nakakairitang si Blaze pa ang dahilan. Of all the possible reasons, bakit si Blaze pa? Bakit hindi iyong mga dahilan na talagang dapat naming pagusapan na dalawa?





“Please Candid, huwag si Blaze.” Tila may pagmamakaawa sa boses nito na ipinagtaka ko.




Kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya. Kahit may idea ako kung anong gusto nyang puntuhin, pinili ko pa ring magpanggap na hindi ko maintindihan ang pinupunto n'ya. Tinitigan ko lang s'ya ng mainam. Waring hindi maunawaan ang sinasabi nya.



“Anong pinagsasasabi mo? Sinasayang mo lang ang oras ko.”





ELITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon