Ninety Four

925 35 13
                                    

°°°°
#Elites50



Kaunti na lang panahon ang natitira sa'yo, Candid.”


“Alam ko.”


Mabilis kong sagot ng hindi tumitingin kay Tan. Nakatitig ako sa cellphone na hawak at pinagmamasdan ang nagiisang litratong mayroon kami ni Blaze na magkasama.

Stolen shot pa ito na s'ya mismo ang kumuha. Busy ako sa paggamit ng ipad n'ya dahil may pinagawa s'ya sa'king chart ng mga oras na 'yon. Humingi s'ya ng idea para sa gagawin n'yang presentation na pinapagawa sa kanya ng Daddy n'ya.


Sa stolen shot na ito ay nakapangalumbaba s'yang nakaharap sa camera ng phone ko at sa gilid ng frame ay ako naman ang kita. Nakatungo at nakatutok sa ipad n'ya. Habang s'ya naman ay ang tingkad ng pagkakangiti. Parang kumikislap ang mga mata.



Malalim akong bumuntong hininga bago ibinulsa ang cellphone sa bulsa ng uniform ko.



“Ilan na lang ang nasa record?” tanong ko sa kanya.



Nanatili ako saglit dito sa mansyon ni Ms. Coreen. Kahit wala akong plano na sumama sa kanila, kailangan ko lang ng kaunting oras na manatili para panandaliang ma-distract sa mga iniisip.



Tatlo na lang sila. After 46..”

Tumango ako.


Kaunti na lang pala.” Matabang kong komento.

“Hindi na ako magdadagdag?”

“Hindi na. Baka magkaron lang ako ng unfinished business. Ayaw ko namang magpaasa ng tao.”


Nakita ko sa gilid ng mata kong tumango tango s'ya. Parehas kaming nakatanaw sa malayo. Nagiisip.


Sapat naman na siguro yun di'ba?”

“Hindi.”


Mabilis ko s'yang tinignan sa naging sagot n'ya. Nagtaka ng ilang segundo bago s'ya magpaliwanag.


Sobra na yon. Masyado ka ng maraming nagawa. Tama si Kurt sa sinabi n'ya kanina.”



Napagtanto ko kaagad ang sinabi ni Tan. Sa totoo lang, matagal na. Malaki ang punto n'ya. Pero mas okay na sigurong may ginawa ako. At least, nabawasan sila.




“Yung natirang tatlo, yung dalawa doon, may kinalaman kay—”

Oo.” pagputol ko agad sa sinabi n'ya.


“Sino doon ang uunahin mo?”



Alam ko na ang isasagot pero hindi ko alam kung bakit natagalan pa rin akong sagutin ang katanungang yon.




“Yung kay 47 muna. Huli na yung sa dalawa.”



Kahit sigurado sa sagot ay naroon sa ang pagdadalawang isip. Bago pa man magbago ang isip ay winaglit ko na agad sa loob ko ang pagaalinlangan.


Hirap naman ng last project mo.” Natatawang banggit ni Tan pero alam kong walang humor sa boses n'ya.


“Hindi pala tatlo. Apat pa pala.”



ELITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon