Ninety Five

942 31 11
                                    

°°°
#ElitesConfused




SA ISANG iglap, sa isang kisapmata, pwedeng mangyari ang mga bagay na  akala natin ay imposible. Mga bagay na nakasanayan na pero sa paggising mo, iba na ang daratnan mo.



Walang permanente sa mundo.  Nagbabago ang lahat dahil kahit isang segundo lang ang lumipas, maraming pwedeng mangyari.




Hindi ako mahilig sa orasan pero naniniwala ako na mahalaga ang bawat oras. Kapag nasa tamang pagiisip ka sa kasalukuyan, bawat pitik ng kamay ng orasan ay mababantayan mo. Pero kung nadadala ka ng hangin at sumasabay sa agos ng galaw ng mga tao, mabilis kang maliligaw. Matatangay ka sa kung saan saang lugar, pangyayari at mapapasama sa kung kanikanino.




Hindi mo mamamalayan na kung noon dati ay magisa ka lang na kumakain sa mesa. Tahimik na nagbabasa sa sulok ng silid. At magisang naglalakad papunta sa Cafeteria, pero sa isang iglap may kasama ka na. Mapapaisip ka na lang kung bakit nakasama o nakausap mo sila. Kung papaanong ang isang kagaya mo na malayo ang ugali sa mga taong iyon ay natagpuan mo na lang isang araw ang sarili na nagagawang makisalamuha sa kanila.


Mabilis na lilipas ang oras at araw. Hindi mo napapansin, ang araw ay nagiging isang buong linggo. Hanggang sa lumilipas na rin ang buwan. Hindi mo mabatid kung hangin ba ang tumatangay sa oras kung kaya't ganoon kabilis lumipas.




Marami na akong nasayang na panahon. Masyado ko ng inenjoy ang kasiyahan sa pagiging 'pansamantalang malaya.' Oras na siguro para harapin ang takda kong oras kung saan kailangan ko ng tanggapin na malapit ng matapos ang lahat. Parang isang palabas na malapit na sa finale. Malapit na sa climax at patungo na sa epilogo.





“Blaze, pwede ba. Magfocus ka nga.”  may kaunting inis na sa tinig ko sa pagpuna sa kanya ng hindi s'ya tinitignan.





Nagpasama kasi s'ya ngayon sa library dahil may hahanapin daw s'yang libro para matuto sa isang bagay raw na hindi n'ya mahagilap sa google o internet. May kinuha naman s'ya pero ako ata itong may nahanap na kumuha saglit ng interes ko.




Seryoso na sana akong nagbabasa pero hindi ko maiwasang hindi mailang sa ginagawa n'ya. Obvious na obvious ang paninitig n'ya sa'kin habang nakapangalumbaba s'ya sa kanyang isang kamay na nakapatong ang siko sa mesa. Nakabaling s'ya patagilid sa'kin dahil magkalapit lang kami.






Naka-focus na ‘ko sa'yo.” Blaze's voice sounded amused so I turned my eyes to him.



Halos hapitin ko ang kapit sa pahina ng libro ng salubungin ang mga mata n'ya.



“Stop flirting, Dalton. Akala ko ba may hinahap ka? Why don't you just read and I'll mind my own business here.” saglit kong sinulyapan ang librong nakapatong lang sa mesa at nanatiling nakabuklat sa gitna sa kanyang harap.



Umiwas s'ya ng tingin saka matamis na ngumiti na mukhang pinipigil pa nito bago magsalita.





Mukhang nahanap ko naman na.” Maliit s'yang napakagat sa ibabang labi bago ako sulyapan. Lalong umangat ang gilid ng labi n'ya.



“Ang alin?”


“Kung paano maging masaya. Mukhang nahanap ko naman na.”



“Huh?” Napangiwi na lang ako. Hinahanap n'ya yon? Dito sa library?



Tumaas ng bahagya ang isang kilay n'ya bago muling tumingin sa'kin na medyo namumungay na ang mata.




ELITESWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu