Fourty Eight

2.1K 88 22
                                    

Nakakabaliw pala talaga kapag naiinlove ka. Masaya na malungkot. Masarap na masakit. - Bad

Blaze Anthony Dalton

-

I heave a sigh. I really damn hate this day. Actually, ayaw na ayaw ko kapag dumating ang pagkakataong ito.

"Pangilang ulit pa dapat kita ipatawag sa twing nakukumpleto ta'yo sa hapagkainan? Sabihin mo lang para alam ko na sa susunod."

Malamig na tinig ni Daddy ng hindi nagaangat ng tingin habang kumakain. Napangisi na lang ako habang isa-isang mariin na pinapasadahan ng tingin ang mga nakaupo sa palibot ng mahabang mesa na sinasabi n'yang kumpleto.

Nagawa kong matawa sa mga istura nila kaya lahat sila ay nakatingin na sa'kin ngayon. Kung tignan nila ako parang mali akong ginawa. Masama bang matawa sa mga inaakto nila?

Tch, ang napaka-perpekto at masaya kong pamilya. Sa sobrang saya kailangan pang kumpleto kami sa breakfast at least once a month. And that's an order from honorable Senator Wesley Dalton.

"Complete? Oh, I almost forgot that the real wife are still missing on her own chair and been occupied with the second Mistress." Tamad kong binalingan ang babaeng nasa kanan n'ya bago umupo sa tabi ni Ate Zaylee.

Hindi nakaligtas sa matalas kong mata ang pagbabago ng expression ng mukha n'ya. Kahit papaano na-good mood tuloy ako ng kaunti ng makita ang pasimple at saglit na pagkainis n'ya dahil sa sinabi ko. Pero mabilis rin yung nawala at nagbago ng bumaling s'ya kay Daddy. Matamis s'yang ngumiti ng lagyan pa ng kanin ang plato nito. Umaakto na naman s'yang hindi affected sa sinabi ko.

"Stop with the nonsense. Eat your breakfast first or I else, hindi ka papasok ngayon sa eskwelahang pinagmamalaki mo." seryosong banta ni Daddy ng hindi pa rin nagaangat ng tingin sa'kin.

Nakita ko ang pasimpleng pagngisi ng babae sa kanan n'ya. Hindi ko maiwasang hindi mainis sa paraan ng pagngisi n'ya. 1-1 na ba? Hintayin lang n'ya, bukod sa'kin, may magsasalita pa para tambakan s'ya.

Ophelia Claveria. The second mistress.

Hanggang kailan s'ya aasta na parang isa s'yang tunay na Dalton's wife? Nakakarita lang ang ang mukha n'ya sa twing nakikita ko s'ya.

"Ipagmamalaki n'ya talaga yun Dad, he's the head of HFA students. Something you should be proud of for some sort of stepping stone if you want to be powerful and rule the whole student body. The only thing he can't be proud of is having a four mothers, at ganun din ako." Ate Zaylee sarcastically stated.

And that's what I'm talking about. My big sister, the Dalton's savage queen.

Lalong nanahimik ang hapagkainan. Kulang na lang hindi nila malunok ang pagkaing kinakain nila. Kapag ako ang nagsasalita, nagagawa pa akong sermunan at ipahiya ni Daddy sa harap ng mga sampid n'ya dito sa bahay. Pero kapag si Ate Zaylee na ang bumanat at nagbitaw ng maaanghang na salita, hindi pinapansin ni Daddy. Parang wala lang s'yang naririnig. Hinahayaan n'ya lang ito na magpasaring sa mga anak anakan at mga mistress n'ya. Until now I still wonder kung bakit masyadong obvious na hindi masyadong makaalma si Daddy sa ginagawa at sa mga sinasabi ni Ate Zaylee sa mga anak anakan n'ya at sa mga kabet n'ya sa mismong harap n'ya.

ELITESWhere stories live. Discover now