Fifty Seven

2K 85 39
                                    

An: Pagasensyahan n'yo po kung inabot ng isang linggo bago ako nakapag-update. Blangko yung utak ko, ilang araw na. Sinabayan pa ng Anxiety attacks. Nahihiya po ako sa mga nagaabang, natagalan na. :( Salamat po muli sa mga patuloy na bumabasa. <3

°°°°

“Dahil kung nanlilingkis ang mga may lahing ahas na kagaya mo, nangpoposas ng malalandi ang mga kagaya ko.”

•••

#ElitesPosas

“Sa tingin mo, anong buhay natin pagkatapos ng limang taon?”

“Sana nga buhay pa tayo non.”

Nanahimik si Kurt sa sinagot ko sa tanong n'ya.

“Napaka-negative mo.” natawa pa s’ya. “Nagtataka na talaga ako kung paano tayo naging kambal.”

Umismid lang ako sa sinabi n'ya.

“But seriously, gusto mo pa rin ba talagang maging police? Alam mo yung panganib ng sitwasyon natin ngayon. Oras na matapos ng lahat, gusto mo pa rin bang maging police woman?”

“Hindi ko na rin alam.”

Yun ang totoo. Hindi ko alam kung ano pang direksyon ang gusto kong tahakin. Para na lang akong sumasabay sa agos. Nawawalan ako ng gana sa mga bagay bagay. Para akong nakikipaglaban at pinuputok ang baril ng walang pinupuntirya at tinatamaan ng bala.

“Ang gusto ko lang, matapos na. Mamuhay ng normal, kahit hindi talaga ako normal.”

“Nasa isip mo lang na hindi ka normal. Kinikilos mong hindi maging normal. Choice mo yan twin. Pero kung ako siguro ikaw, ieenjoy ko ang mga bagay bagay. We only live once, alam mo yan."

“Mali ka, Kurt. We live everyday. And we struggle every other day. Valid lang ang kasabihan na yan sa mga taong malayang gawin ang gusto nila.”

Saglit muli s'yang natahimik at ramdam ko ang paninitig n'ya hindi ko man s'ya balingan.

Sabay lang kaming umiinom ng mainit na chocolate drinks dito sa terrace ng bahay namin. Ang nagiisang bonding naming dalawa pag nandito sa bahay.

“You're a polymath. Multi talented. You have a lot of skills na paniguradong kaiingitan ng marami. Maraming bagay tungkol sa'yo ang pwede mong ipagmalaki, pero pilit mo ring itinatago kaya hindi mo nagagawang magpakasaya kahit minsan lang.”

Natawa ako ng mapakla sa sinabi n'ya.

Masaya? Ano ba ang kahulugan ng pagiging 'masaya?' Yun ba ay nababase sa dalas ng pagngiti at pagtawa? Ano bang totoong basehan para matawag na 'masaya?'

“Pinapakain ko lang ang curiosity ko ng mga bagay bagay.”

“At hindi ka nagiging masaya kapag nakakagawa ng panibagong achievement? Bakit kailangan mo pang gawin? Nagsasayang ng oras? Nang lakas?

ELITESWhere stories live. Discover now