Seventeen

2.9K 129 42
                                    


Tahimik kaming lahat ng umikot na ang arrow ng roleta.

Iba na ang naging pwesto namin ngayon at hindi na namin pinapalibutan yung bonfire. Sa halip, nilipat namin ang sofa at nasa tabi na lamang namin ang bonfire sa di kalayuang distansya para maramdaman pa rin ang init nito.

Hindi naman kasi magiging epektibo yung pakulong roleta ni Axle kung wala ito sa gitna namin at hindi namin ito papalibutan. Nakapatong lang ito sa maliit na table habang nandoon din ang mga snacks namin at ilang mga led lights na nagsisilbi ring liwanag dito.

Nawala ang kaba ko ng tapatan ng arrow ang pwesto ni Sham. Sya ang unang unang tatanungin ni Axle. At mamaya si Sham naman ang magpapaikot at magtatanong.

Pero bago ang lahat, may binigay pang portion si Trust para mas maganda daw ang twist. Sa unang limang tanong, wala daw ibang itatanong kung hindi magbabanggit ng isang pangalan tapos dudugsungan ng “trotropahin o jojowain”. And take note, with explanation pa. Pero pagkatapos naman daw ng limang tanong na yun, one question at a time na.

“Nice nice!” nakakalokong nakangiti si Axle kay Sham.

“G*go ayusin mo tanong mo.” banta nito kay Axle.

“Dude, chill lang ha?” nakakaloko itong tumawa ng sulyapan si Trust. “Sham, si Trust ba? Trotropahin, o jojowain mo ba?”

“Yown! Magandang tanungan yan.” komonte ni Dwayne at kinuha na ang isang bowl ng crackers. Akala mo nanonood lang ng sine habang pinagmamasdan si Trust at Sham.

“Bwiset, wala bang ibang option? Yang pambansang condom na naman na yan?” reklamo naman ni Sham kaya humagalpak ng tawa si Axle at si Dwayne. Natawa na lang din kami ni Ellie sa reaksyon ni Trust sa pagkakasabi ni Sham.

“Makapambansang condom ka ah? Ganda lang? Choosy ka? Para namang gusto ko ring maging tropa at jowa mo ah.” parang babaeng pagsusungit naman ni Trust.

“Eh! Sagot na lang kasi. Wala ng masyadong pagtatalo.” Dwayne.

“Trotropahin. Ayaw ko namang maging jowa yan dahil hindi kami talo. Lalaki din type nyan eh. Ayaw ko sanang maging tropa, kaso no choice ako.” at agad na nyang ininom ang isang shot ng baso.

Wala namang sinabi na dapat may piliin ka talaga. Kaso kapag wala kang pinili, dalawang shot ang iinumin mo.

Nagpalakpakan naman ang mga loko maliban na lang kay Trust na nakabusangot sa sagot ni Sham. Si Blaze nakipalakpak na rin pero pacool lang. Panakanaka lang na nakikisabay sa tawa habang pumapapak ng snacks.

“Hiyang hiya ako sa’yo Sham hah? Baka pag pinatunayan ko sa’yong lalaki ako umurong yang dila mo.” banta naman ni Trust na mukhang sineryoso ang sinabi ni Sham.

“Hala hala ka! Papatunayan daw Shammy oh? Go Trust, patunayan mo nga ang pagkalalaki mo ng matameme yang si Sham! Hahaha! Para saan pa at ikaw ang naging pambansang condom ano?” panunusot naman ni Axle sa dalawa.

Gusto ko talaga matawa doon sa term na 'pambansang condom.' Kung bakit ba naman kasi 'Trust' ang inipangalan sa kanya ng magulang nya ih.

ELITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon