Twenty Six

2.8K 98 17
                                    


Too Much

Ang laki laki ng pagkakangiti ko ng lumabas ako ng pintuan ng bahay namin. Sobrang naeexcite akong sakyan ang bagong bili kong bisikleta. Sobrang tagal na rin simula ng makagamit ako ng ganito.

Sa totoo lang, ibinawas ko lang ang pambili nito sa savings ko. Madalas na kasing busy si Kurt at  maya mga may oras talaga na hindi na nya ako naisasabay sa paguwi. At ganun din naman ako dahil sa Music Club. Kaya ito, napagdesisyunan ko na lang na bumili ng bisekleta para may service ako kahit papano. Saka, para convenient na rin kapag may pupuntahan ako. At ito na lang muna ngayon ang gagamitin ko pang- exercise araw araw. Nakakasawa na rin kasi ang magjogging ng magjogging.

Habang nagpepedal, hindi ko maiwasan ang mapangiti habang nagmamasidmasid sa bawat nadaraanan ko.

Namiss ko yung ganito.

Siguro kung nandito lang si Kuya Nest, hindi na naman nya ako papayagang gumamit ng bisekleta. Madalas kasi akong madisgrasya noon ng dahil dito. Pero iba na naman ngayon eh, mas maingat na ako sa lahat ng bagay na ginagawa ko. Nakakapagod mapahamak at masaktan ng paulit ulit. Kaya dapat sa lahat ng bagay, matuto kang magtanda. Kung nasaktan ka ng isang beses sa isang pangyayari, huwag mo na dapat yung uulitin.

Malapit na ako sa HFA ng may biglang sunod sunod na bumisina sa likuran ko. Bahagya akong nagulat at napagewang ang pagpapaandar ko ng bike ko. Tumigil ako sa saglit at tumingin sa kotseng mabagal na umaandar at tila sinusundan ako.

Nang mapatapat ang bintana nya ng sasakyan sa harap ko mismo, saka lamang bumaba ang salamin ng bintana nito. And believe me, nagsisisi akong sinayang ko ang ilang segundong paglalaan ng oras para tumigil at tignan kung sino ang walang habas na binubusinahan ako kanina pa.

“Hey.” casual na bati nya habang inaalis ang sunglasses sa mata. Kinapogi na nya?

Imbis na pansinin, inirapan ko na lang sya at umaktong magbibike na ulit.

“Gusto mo sabay ka na?”

Tinaasan ko naman sya ng kilay. Tinitigan ko sya saglit at inaanalisa ang ekspresyon nya. 

Ano na naman kayang nakain nya? Naninibago na ako sa ikinikilos nya nitong mga nakaraang araw. Mas madalas na nya ako ngayong bwisitin. Pero may kakaiba. Hindi kagaya ng dati na away talaga ang gusto nya.

“Bakit naman ako sasabay sa’yo?” masungit na tanong ko.

“Kasi papasok ka na rin naman sa loob. So, sabay na tayo.” he smirked.

“Ayaw kong sumabay sa’yo.”

“Kaso gusto ko.” nanunusot itong ngumiti.

Ako naman itong si iwas ng tingin. Ayaw ko na syang makitang nakangiti. Naiirita ako.

Saka paano sya sasabay kung naka-bike ako at nakakotse sya? Ipaparegister ko pa nga itong bike ko para makakuha ako ng sticker at maipasok ito sa loob ng campus eh. Nandoon kasi ang parking lot.

“Candid!” muli akong napalingon sa likuran ko.

“Josh? Nagbabike ka rin?” bigla kong nabulalas.

ELITESWhere stories live. Discover now