Chapter Ninety Three

1.8K 37 16
                                    


KALAHATING oras akong nagdrive para makarating sa pakay na lugar. Mabuti na lang at hindi masyadong malayo. Binagalan ko lang talaga ang pagpapatakbo para hindi makakuha ng atensyon sa kalsada. Iniwasan ko rin ang mga lugar kung saan may mga checkpoint madalas.

Anong lugar ‘to, Tan?”


Tanong ko agad sa kanya pagbaba pa lang sa motor ko. Inabot n'ya rin ang helmet na hinubad ko at s'ya na ang kusang nagbitbit non.


Inilibot ko ang mata sa paligid. Hindi pa masyadong mabahay ang lugar dahil mukhang bagong bukas na subdivision lang ang lugar. Pero sa harap namin ay may tatlong palapag na bahay na fully furnished na at mukhang natitiragan na. In fact, para nga itong mansyon.


May malawak na parking space sa harap pero may bukod pa ulit na gate na dadaanan papasok. May napansin rin akong dalawa pang magarang kotse na nakaparada kung saan ko maingat na iginilid ang motor ko.



Bago tayo pumasok, may gusto lang sana akong aminin sa'yo.”


Huwag mo sabihing magcoconfess ka rin sa'kin Jonathan ha? Full slot na. Ayaw ko na ng sakit sa ulo.”

Kunwariy itinaboy ko s'ya sa hangin ng iwagayway ko ang kamay. Sinimangutan n'ya lang naman ako habang nakangiwi.



Yabang mo naman po, Miss.”



Binalewala ko lang ang kanyang sinabi at tumuon lang tingin sa bahay na nasa harap namin. Tahimik. Pero mukhang maraming tinatago sa loob.


Uhm, ganito kasi yan..”


Deretsuhin mo na lang ako, Tan. Hindi naman ako masakit manapak.”



Mabilis n'yang hinarangan ng kamay ang kanyang mga pisngi na animoy pinoprotektahan mula sa'kin.

Ang totoo kasi, hindi na member ng Riffles sila Ced, Empi, at Rhoan.”


Pumihit ako patagilid para tignan sya.

Anong ibig mong sabihin?”

“Ako, malapit na ring tumiwalag doon.”



Bahagyang napanganga naman ako.  Sa pagkakatanda ko hindi naman basta basta nakakalis doon lalo na kung matagal ka nilang hinasa mula sa murang edad pa lang.



Kailan pa? Paano yun, lumipat kayo ng HFA para sa'kin hindi ba?”

Matagal na nakatingin lang sa'kin si Jonathan saka bumuntong hininga.


Matagal na. Bago pa man kami makapagtransfer sa HFA.”


Prinoseso ng isip ko ang narinig. Imbis na magtanong agad ng mga posibilidad na rason ay pinili ko munang humanap ng sagot at magsarili ng mga haka haka. Pero wala ni isa akong mahagilap na dahilan kung bakit nila yun ginawa. O bakit sila biglang sumulpot na lang bigla kung hindi naman na pala sila under ng Riffles at ni Miss Lily.


Saka paano sila basta basta nalang nakaalis doon?



Lumipat kami hindi para bantayan kung ginagawa mo ba ang misyon mong inutos nila, Candid. Kung hindi para bantayan ka.”

ELITESWhere stories live. Discover now