Fourty Five

2.1K 94 10
                                    


(Dalawa po ang update kong chapter,  check nyo po yung last bago ito. Pambawi. Salamat :)

-

Ninja

-


Sabay sabay na umiindak at kumakanta ang ilan sa saliw ng musikang tumutugtog sa buong sound system sa buong paligid ng HFA. Simula ng pumasok ang mga bagong Elites ay pwede na ulit magpatugtog ng mga request songs kapag vacant time sa klase.

Hindi na madalas makita ng lahat na magkakasama lagi sila Blaze, Axle, Trust at Dwayne. Madalas ay watak watak sila. Wala akong idea kung dahil ba sa sumasama si Axle at Dwayne sa mga bagong Elites o baka mismong si Blaze ang lumalayo sa kanila.

Sa loob ng mga nagdaang araw, naging normal naman ang lahat. Maliban na lang sa mga unang tatlong araw na walang ibang pinagusapan kung hindi ang nangyare kay Pearl. At syempre, involved ako kahit papaano. Para ngang mas naging big deal pa sa lahat ang ginawa ko kaysa sa eskandalo ni Pearl ih.

Kaya ayun, hindi ko alam kung nangingilag lang akong kantiin ng dalawang taong magka-tandem sa pangbubully sa'kin, verbally. Puro lang sila pagbibitaw ng masasakit na salita at pagpaparinig, pero hindi nila ako magawamg saktan at galusan.

Pero may mga oras na napipikon na rin ako kahit papano. Maraming beses. Maraming beses ako itinuro ng magbestfriend na si Harriet at Yuri sa mga gawaing hindi naman ako nagvovolunteer na gawin.

Syempre, sino nga ba naman ang papaniwalaan ng mga guro dito sa HFA di’ba? Syempre ang anak na mismo ng mayari. Kaya nagugulat na lang ako sa twing ipinapatawag ako ng iba ibang guro para utusan o may pabor na ipapagawa.

Pero wala akong ginawa at nanahimik na lang ako. Wala rin namang kwenta kahit sabihin kong hindi ako kailanman nag-volunteer sa gawin ang mga inuutos dapat nila sa iba.

At kung tungkol naman kay Ellie, napapansin ko ng unti unti na ulit s'yang ngumiti kasama si Sham. Ang bago nya sigurong bestfriend.

Hindi na nya ako kinukulit. Hindi na s’ya nagtetext, tumatawag o dumadalaw sa bahay. Ibinalik ko sa kanya ang ATM card pero hindi sya nagsalita. Mabuti na siguro na ganun.

Mas madalas na akong mapagisa. Kahit nilalapitan ako ni Dwayne o Axle ay ako na mismo ang unang umiiwas. Nagtatanong sila pero hindi ako sumasagot. Nangungulit sila at niyayaya ako sa mga hang out nila kasama si Blaze pero hindi ako sumasama. Kahit sa Brice nakita ko silang magkakasama pero hindi ko sila tinatapunan ng tingin.

Balik sa pinaka- plain na bubay.

Lunch time na at oras na naman para kumain ako sa sarili kong Cafeteria. Kung saan ako lang ang nakakatikim ng mga mamahalin kong pagkain na hindi kayang bilhin at kainin ng kahit na pinakamayamang estudyente dito sa HFA.

At ang lugar na yun ay dito sa rooftop.

At least dito, tahimik. Presko ang hangin. Maaliwalas. Mabuti na nga lang talaga at kahit rooftop dito ay nagkaroon ng isang spot kung saan may parte na binubungan at may mahabang bakal na upuan na inilagay.


A-Anong ulam mo?”

Napatingin ako sa gawing gilid ko.

ELITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon