Eighty Six

1.1K 28 7
                                    


An : Ang reply ko po sa lahat ng nagcomment sa last update kong "END" at PM ay nasa huling bahagi ng dalawang chapter na update ko po. Yes, 2 chapter sa wakas..after 6 months.

•••
#ElitesGame




Ngayon ko lang talaga tuluyang napagtatanto na malaki ang pinagkaiba at agwat ng mahirap sa mayayaman. Kung ikukumpara ko ang mga Christmas Party na naranasan ko noon sa mga public school na napasukan ko na, walang sinabi iyon sa nararanasan ko ngayon dito sa HFA.




Masyado itong magarbo. Aakalain mong may pa-cater ang buong school dahil may darating na Presidente ng Pilipinas. May typical rin namang program kung saan bubunot sila ng mga maseswerteng makakatanggap ng regalo. Pero ang mga regalo, hindi basta basta. Parang nagtatapon ng pera ang nag-sponsor. Latest brand ng iphone, mga designers bag na hundered thousand ang halaga, brand new car, mamahaling relo, laptops at kung ano ano pa na nakakalulang brand na kahit hindi ako pamilyar ay alam kong hindi ko kayang bilhin kahit sampung taon pa akong magtrabaho.




Kahit wala sa isip ko o hindi ko hinangad manalo o makakuha ng kahit na ano, naging mabait sa akin ang langit kanina dahil nabunot ako. Ang nakuha ko, mamahaling laptop.


Sa totoo lang kahit parang balewala lang ng tanggapin ko yun kanina, sa loob loob ko ay natuwa ako kahit papaano. Alam ko kasing magagamit ko talaga yun lalo na kapag pumasok na ako ng college.


Kung iba nga lang ang napanalunan ko kung nagkataon malivan sa laptop, baka ibebenta ko na lang para mapakinabangan lalo ngayong kailangan na kailangan ko ng pera.



Ayos ka lang ba talaga magisa dito Bes? Sumama ka na kasi. Isang beses lang 'to sa isang taon oh!”


Bahagyang hinihila ni Ellie ang kamay ko habang nananatili akong nakaupo at s'ya naman ay nakatayo sa harap ko. Susunod na rin kasi s'ya kay Sham na niyaya kami kanina na makigulo at makisaya sa mga kumpulan ng mga estudyante sa gitna. 


Halos sumigaw na nga si Ellie habang kinakausap ako dahil sa lakas ng tugtog. Ngayong gabi naman kasi ginaganap  ang Christmas Ball.


Umiling lang ako sa kanya.


“Hindi na. Tinatamad ako. Sige na, makigulo ka na don.” Pasigaw ko ring sagot at pagtaboy sa kanya.

“Sure ka ha?” Bumaling s'ya sa ibang direksyon at may biglang kinawayan.

“Ah, wait, waiter!”

Nauuhaw ako. Ikaw Bes, gusto mo?”

Tumango lang ako. Naubos ko na rin ang juice kanina pagkatapos naming lahat kumain.

Paglapit ng waiter na may dalang tray ng mga inumin ay walang sabi sabi na doong kumuha si El ng maiinom. Masyado atang napagod kakasayaw.


“Kayo rin po Ma'am?” Alok sa'kin ng waiter at tumango lang ako.


S'ya na ang kumuha ng baso na para sa akin at nakangiting inilagay iyon sa table ko. Napatitig pa ako sa kanya saglit.


Tumango lang ako bilang pasasalamat bago s'ya tuluyang makaalis.



“Basta pag nagbago ang isip mo Bes ah?”



Tumango lang ako kay Ellie bilang sagot.



ELITESWhere stories live. Discover now