Twelve

3.2K 123 15
                                    

Disclaimer : Basta third pov pa rin dapat ito. Saka ko na lang po i-edit. :)


Blaze Anthony Dalton

°°°°
#ElitesMG






NAHATI ang buong section sa tigtatatlong myembro. Hindi dapat magkakasama ang mga Elite sa iisang grupo dahil kami rin mismo ang magiging leader ng kahit anong grupong bubuuin namin.Pero katamaran na lang nitong si Axle at sa akin sumama. Sinabi pa kay Ms. Tanako na tinatamad daw sya maglead. Baka daw sya pa ang maging pabigat kaya sa akin na lang sya sasama.





Kaya pala. Kaya pala gusto sa'kin magpabigat.




"Mr. Chua and Mr. Dalton, kulang pa kayo ng isa." Ms. Tanako told us.




"Ma'am, si Candid po." Agad namang sagot ni Axle habang ang laki ng pagkakangiti sa'kin.


"You're always pissing me off, Axle. Alm mo yun?" I whispered to him with full of annoyance. Pero tumawa lang ito ng pangasar.




"Lahat kumpleto na. Please be responsible leaders to your members. You only have two days to make your group project. Failed to do so and all your members including leaders grade will be reflected to your first quarter grading. Okay, class dismissed."





Nagsimula ng maging maingay ang buong room. Nakalabas na rin si Ms. Tanako. Lumabas na rin agad ang mga kanina pa gustong gustong magpunta ng Cafeteria para kumain. Samantalang ako, gusto kong lumabas kapag nakalabas na lahat.





Si Yuri lang naman ang makulit na gustong lumabas agad at hindi ako tinitigilan kapag hindi ako sumasabay ng paglabas. Mabuti na lang at wala ang isang yun ngayon.





"Candid!" Axle called that girl, again.




Agad naman itong lumingon pero walang bahid ng pagtugon. Kahit si Ellie na lagi nitong kasama at kalapit rin sa upuan, nakamangot ng tumingin sa pwesto namin. Si Dwayne at Trust naman ay lumapit na rin sa pwesto namin. Galing ang mga ito sa pakikipagusap sa mga kagrupo nila.





"Lagot ka Axle. Mukhang galit sa'yo si Ellie. Ang sama sama tumingin." biro ni Trust kay Axle habang tatawatawa.




"Bakit sa'kin? Bait bait ko nga sa kanila. Bakit hindi si Blaze itong tanungin nyo?" sabay turo sa'kin ni Axle.




"Ako na naman ang nakita nyo?" Lalo akong nawala sa mood. Kanina pa itong si Axle. Sarap nang bigwasan.




"Mabait? Bago ata yan sa'yo Axe." Singit naman ni Dwayne na inaasar si Axle.




Nakaabang lang ang mga kasama ko ngayon na lumapit ang dalawang babae na pinaguusapan nila. Ako naman, walang pakialam na nakaupo pa rin. Hinihintay na lahat ng narito sa loob ay tuluyan ng makalabas.





"Wait——Candid!" Tawag pang muli ni Axle pero humarang si Ellie sa harapan nya. Dahilan para hindi na nito mahabol si Candid na diretsong lumabas ng room ng walang sabi sabi at ni hindi pinansin sila Axle.




ELITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon