Thirty Seven

2.5K 93 22
                                    


Candid Alessia Rosales

Hindi ko alam kung bakit minsan, trip kong titigan ang relong suot ko. Hindi naman ako nagchecheck ng oras, pero may mga times na mayat maya ko ‘to tinitignan ng tinitignan kahit hindi  intentionally.

Bakit mukhang hindi ka mapakali? Matapos mong umabsent ng buong isang linggo, atat na atat ka na agad umuwi?” napuna na rin pala ako ni Ellie.

“Hindi. Mannerism ko na talaga ‘to minsan. Hindi ko lang alam kung bakit.” naguguluhang sagot ko.


Madalang lang naman ako kung magkaganito.

“What? You're questioning your mannerism?” Ellie asked with a chuckle. “Natural naman talaga yun sa tao. Unconsciously naman talaga yung nagagawa.”

Ganun ba yun? Pero bakit hindi ko naman lagi ginagawa? Napakadalang nga lang. Hindi ko lang maalala kung tuwing kailan ko ‘to ginagawa.

“Practice natin mamaya ah. Ilang araw kang wala. Kailangan natin maghapit Bes. Hindi basta basta yung gagawin nating presentation para sa VIP's and mga anak nilang trasnferee. Kung bakit ba naman kasi kailangan pa ng Welcoming Program para sa kanila ih. Mabuti na lang talaga mas humaba pa ang preparation dahil cancel ang ibang flights nila. ” nakanguso nitong reklamo.

“Kaya nga VIP's di’ba?”

“Nakaka-stress kaya. Kahit nitong mga nakaraang araw hindi kami sinasamang dalawa ni Kurt sa meeting ng mga councils, napressured pa rin ako dahil bukod sa mga councils naka-assign sa preparations, isa pa rin ang Music Club sa pinakainaasahan para don. Imagine? Double stress yun Bes! Aykenat na talaga!”

Muling napukaw ng atensyon ko ang sinabi nya.

“Bakit hindi kayo sinasama ni Kurt? Bakit kayong dalawa lang?”

Tinanong ko pa rin kahit may idea na naman ako kung bakit.

Biglang nalungkot ang expression ng mukha ni Ellie.

“Ewan nga ih. Siguro dahil baka nakukulangan sila sa'min? Baka kagaya ng ginawala nila kay Janna, aalisin na rin kami bilang council.” pilit itong ngumiti at tumungo.

Hindi ko magawang magsalita o magpayo sa kanya. Alam kong dahil sa'kin kaya hindi sila sinasama sa meeting nitong mga nakaraan. Hindi ko tuloy maiwasang hindi makonsensya dahil pati sya at si Kurt, nadadamay pa.

“Basta sa practice mamaya ha? Ikaw ang pinakainaabangan ng lahat. Masyado ka nilang iniabangan mula nung pinakaunang performance natin.” nakangiti na nitong saad. Ang bilis nya talaga magpalit ng mood.

Tumango lang ako at tinignan ang kabuan ng HFA. Kasalukuyan kaming nasa field habang nakaupo sa bakal na upuan na narito.

“Tanong lang El.” I paused for a while, habang pinagmamasdan pa rin ang mga estudyanteng nagpapractice ng volleyball sa may mismong open field. “Gaano kalalim ang turing mo sa'king bilang kaibigan?”

Hindi ko man tignan ang reaksyon nya, ramdam kong nagtataka syang nakatingin sa'kin ngayon. Naguguluhan sa random kong tanong.

ELITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon