Thirty One

2.4K 93 3
                                    

Important Note : (Basahin po muna ito)

Gusto ko lang po kayo unahan. Baka kasi may makapuna. Baka may tamarin agad.

Ang first quarter nito (1-20) ay hindi pa magpaparamdam sa inyo ng matinding kilig na hinahanap nyo. Aakalain nyong mabagal ang kwento, ang takbo at ang plot. Pwede ko pa sana paikliin at baguhin, kaso madami ng mawawalng mahalagang detalye. Pero hindi lang ganun. Pinauunti unti ko lang pong ipakilala ang ating bidang babae. Mahalaga masyado ang character nya rito. Kaya gusto kong ipakilala sya sa inyo na mararamdaman nyo mismo kung bakit ko sya binuo. Si Candid, sobra nyang binulabog ang utak ko para lang palabasin ko sya. Hindi nyo mauunawaan pero basahin nyo na lang hanggang matapos para malaman nyo. Sya ang natatanging bubuhay ng mga tanong na hindi nasagot sa COMPLICATED WITH A KISS STEALER.


And hindi ibigsabihin, sa kanya lang nakafocus ang mga unang chapter. Sadyang hindi ko lang nabantayan. Kung nabasa nyo yung one shot story ko na Pagdaan, mauunawaan nyo kung bakit. Kung ano yung bigat na dala ko, masyadong nagiging totoo sa katauhan ni Candid. Kabaligtaran nga lang dahil imbes na ang mga bumabasa ang mahawa sa katauhan ng character, ako yung nanghawa sa bida. Kaya sana tapusin nyo muna, para tuluyan nyo pong malaman lahat.

Dahil hindi si Candid yung klase ng character na ipaparamdam at ipapaalam agad lahat ng pwede nating malaman.  She likes torturing herself from pain. Hindi nyo agad mababasa ang character nya kung hindi tatapusin ang kwento. Paunti unti nyo lang syang mabubuo kapag nakarating na kayo sa dulo. :)





Candid


~°~

Naiinis ako.

Bakit kailangan pang magtanong kung obvious naman? At isa pa, bakit ba sya narito? Bakit nya ako sinundan?


Panira s’ya ng plano.


Akala ko ba busy sya sa ex girlfriend nya? Bakit ako pa rin ang pinepeste nya?

Binalita lang naman sa’kin ni Ellie kahit wala akong pake. Miski sa buong HFA, headline na ang muling pagsasama nilang dalawa nung ex girlfriend nyang si Lacey daw.

Tapos ngayon tinatanong nya ako kung anong nangyare? Kung obvious namang nadulas ako?

Nasagi ko kasi yung isang balde ng tubig na nakalagay sa isang parang shelf na gawa sa kahoy at bumuhos sa’kin lahat ng laman nun. At hindi lang yun, nakawit din ang headscarf ko sa isang pako nito bago ako madulas. Mabuti na lang at hindi sa mismong mukha ko tumama.

Tinitigan ko lang sya kahit medyo nasisilaw ako sa flashlight na itinututok nya sa’kin. Agad akong tumayo at nagpapag ng damit kahit wala na yung epekto dahil basang basa na ang uniform na suot ko. Pati bag ko hindi rin nakaligtas.


“W-Wala ka ng suot na headscarf.” tila gulantang nyang reaksyon.


“Yan naman ang gusto mo ah?”

Muli akong tumingin sa paligid kahit nasa kanya ang flashlight. Kailangan naming makalabas agad rito. Kaso, paano? Ang taas ng bubong. Wala man lang kabintabintana para sana lusutan.

ELITESWhere stories live. Discover now