Thirty Five

2.3K 91 22
                                    


An: Please always check the last chapter. Baka nakakaligtaan nyo basahin. Leave a comment para sa mas mabilis na update. Thanks! <3

°°

Blaze Anthony Dalton

Ayaw ko na sanang sumabat pa sa usapan dahil masyado ng mainit, kaso hindi ko na kayang manahimik pa dahil ang sakit na nila sa ulo magusap usap.

“Yuri, stop it.” saway ko sa kanya.


Agad silang tumigil sa paguusap.


Nasa office kami ng lahat ng mga councils maliban kay Ellie at Kurt. Sinadya ni Yuri na huwag ipatawag ang dalawa dahil daw sa sensitibong paguusapan.

At ito pala ang sensitibong paguusap na sinasabi nila. Wala silang ibang ginawa kung hindi magpalitan ng opinyon na nakakasakit lang ng ulo. Sabay sabay pa silang naguusap minsan.

“Pero nasa atin na ang ebidensya Bad. Hindi pa ba malinaw ang katotohanan tungkol sa babae na yun?” iritableng nitong pahayag.


Napakapit ako sa sentido ko. Ang sakit talaga sa ulo magisip.


“But is it enough proof? Ni hindi naman kita ang mukha.” muling depensa ni Axle. Habang si Dwayne, seryoso at mukhang malalim ang iniisip.


“Hello? This is enough proof! May nanakawan na naman nung isang araw. And now, absent si Ella dahil sa nararanasan nyang cyber bullying. Mananahimik na lang ba tayong mga council kahit may concern netizen ng nagsend nitong video? Magiintay na naman ba tayo na may susunod na namang mabiktima ng babaeng yun!?” muling pinaglaban ni Yuri ang panig nya habang pilit na pinapakita ang naka-play na video sa laptop nya.

Ilang araw syang nawala at nanahimik madalas. Tapos ngayong nagbalik sya, umaakto syang responsableng student council? Palibhasa kinaiinisan nya ang involve.

“Who is the sender?” tanong ni Sham rito.


Ramdam kong hindi kumbinsido si Sham sa mga paratang ni Yuri.

“Is that important to know? For God sake! Syempre hindi magpapakilala yun kasi ayaw nyang madamay!” then she rolled her eyes to Sham.

Wala ng ibang ginawa ang dalawa na ‘to kung hindi magbangayan. Ang sakit lagi nila sa ulo.


“Really? And you think matalino ka na dahil sa mga assumptions mo?” muling pagsusungit ni Sham kay Yuri.

Heto na naman. Magsisimula na naman silang dalawa. Kanina pa sila ganito.


“This is not an assumptions! This is the truth! Bakit ba ayaw mong tanggapin ang katotohanan na criminal yang Candid na yan!?” napatayo nalang si Yuri habang nagsasalita sabay hampas ng mga kamay nya sa table.

ELITESWhere stories live. Discover now