Eighty Nine

2.5K 54 18
                                    


#ElitesPagsuko

•••





Aangkinin na kita..





Paulit ulit na lang na bumabalik sa utak ko ang mga katagang yun.



Mali lang ba ako ng pagkakaintindi? O baka may iba s'yang ibigsabihin sa sinabi n'yang yun?




Ey! Kanina ka pa dito?”


Bumaling ako sa bagong dating.


Tumango lang ako. Muling ibinalik ang tingin sa motorbike na kanina ko pang pinagmamasdan.




Okay na yan. Gagamitin mo na ba ulit?” Tanong n'ya ng tumayo sa gilid ko.



Siguro bibitbitin ko na lang habang naglalakad?” Mahina s'yang natawa sa sinabi ko.



Baka naman isemplang mo ulit? Huwag mo ng ulitin. Baka sa susunod hindi ka na swertehin.” Biro ni Jonathan na sinundan muli ng maikli n'yang tawa.


Kahit kailan naman hindi talaga ako naging swerte. Hindi lang talaga mamataymatay.” Nakangisi kong banggit. “Kitakits na lang kung ako ang mauuna.



Natigilan s'ya sa huling sinabi ko.




Inilahad ko ang kamay sa harap n'ya at nakuha naman n'ya agad ang gusto kong mangyari. Mabilis rin nyang ipinatak doon ang susi.



Hindi na ako nagsayang ng oras at sumakay na sa motor saka pinaandar ito. Kinuha ko na rin ang helmet na inabot ni Tan at hindi naging lingid sa'kin ang makahulugang paninitig n'ya.



Pupuntahan mo na naman?”


Oo. Aangkinin na daw ako eh.” Biro ko na ikinanuot ng noo n'ya.




Sumilay ang ngiti sa labi ko ng makuntento ako sa tunog ng makina.





Aangkinin amp*ta. Hindi ka nga magawang unahing iligtas, aangkinin pa.” Mapakla at sarkastiko n'yang sambit.



The nerve of him isn't it? Wala ngang kaalam alam na muntik ka ng mamatay ng dahil na naman sa kanya.”




Pumagitan ang hangin sa mga labi ko sa sinabi n'ya. Muntikan akong tumango bilang pagsangayon. Pero kasalanan ko rin naman iyon. Ginusto ko yun kaya walang kasalan si Blaze.



Kaya kumukulo ang dugo ko sa Dalton na yan eh. Puro hangin lang ang ulo. Puro salita. Pera lang ang meron pero wala namang binatbat.”


It was a harsh statement from Jonathan while his brows are furrowed. Pero ewan ko ba at hindi ko magawang umalma o ipagtanggol man lang ang side ni Blaze. Marahil ay dahil alam kong kahit papaano, may totoo sa mga sinabi n'ya. Pero sa ilang buwan kong pagkakakilala kay Blaze, sa kabila ng mga mali sa ugali n'ya ay maraming magandang katangian ang nalaman ko na hindi lang talaga nakikita ng iba.



ELITESWhere stories live. Discover now