Forty One

2.5K 97 37
                                    


Blaze Anthony Dalton

Bet

♪ Heto na naman
Nagiisip minsa'y nagtataka
Nasa’kin ng lahat ba’t nangungulila
At nang makita ka
Ibang sigla aking nadarama
Pag ibig nga ba ito akoy namgangamba

Nais kong ipagta—

Tch! Nakakailang pindot na ako ng ‘next’ sa playlist ko. Naubos ko na ata lahat ng all boy band songs sa playlist ko ng hindi ko natatapos dahil naiirita ako.

Bakit ba ang iingay nila? Pwede naman silang maglakad ng hindi nagiingay ng ganito ah?

“Zup Bro!" lumapit sa'kin si Axle na ipinatong pa ang kamay sa braso ko. “You look pissed.” sabay ngisi nito na akala mo alam nya ang ikinaiinis ko.

Kapwa nalang kami tumingin sa mga nauunang maglakad sa’min.

Kanina pa tawa ng tawa si Ellie at Sham habang kakwentuhan si Dwayne. Habang si Candid naman, ayun, walang kwentang kasama dahil naputulan na naman ng dila. Panakanaka syang kinakausap ni Dwayne pero panay tango lang ang ginagawa.

“Parang ang boring naman dito.”

Kasunuran na rin namin si Trust na kagagaling lang ng CR.

Kung alam ko lang na maiirita ako ng ganito dito, sana sumama na lang ako kay Lacey sa Quezo.

Madalas na kaming magusap ngayon. At aminado akong masaya ako sa set up namin kahit na walang kami. Kahit hindi pa 'ulit kami'. We're just enjoying each others company kumbaga.

Nalaman ko na rin kung sino ang lalaking madalas sumusundo sa kanya sa University nila. Hindi nya naman ipinagkaila na boyfriend nya raw ang lalaking yun. Lalaking pinapa- fix marriage sa kanya ng magulang nya.

Masakit sa part ko na malaman yun. Pero isa na lang siguro ang pinanghahawakan ko ngayon kaya nagpapatuloy pa rin ako kahit parang nagmumukha na kong tanga.

“I still love you Blaze. I really do. Just give me some time. Kailangan ko lang ayusin ang lahat.”

At kapag sinabi nya, susundin ko yun. Nahintay ko nga sya ng isang taon mahigit eh. Ano ba naman yung hintayin ko pa ulit yung sinasabi nyang ‘tamang panahon’.

“We're here!!!!” masiglang sigaw ni Ellie habang tinitignan kami at binalandra ang lugar.

“Oh? Anong maganda rito? Tatlong krus lang naman yan na malalaki. Anong nakakatuwa dyan?” deretsahang sabi ni Trust na nakamangot lang.

“Bakit kasi hindi na lang sa Caliraya tayo nagderetso? Tutal doon din naman tayo pupunta bukas. Dapat doon na lang tayo nagderetso kaysa dumaan pa dito.” pagrereklamo rin ni Axle habang apat na bag ang nakasukbit sa ibat ibang bahagi ng katawan nya.

Kagaya ko, pagod na rin sya dalhin ang malalaking gamit na dala namin. Porke kami ang lalaki kami na dapat ang magbitbit ng mabibigat. Uso na kaya yung tinatawag na equality!

ELITESWhere stories live. Discover now