Seventy Three

1.2K 57 10
                                    

°°°
#ElitesTouch





“Kumpleto na?” tanong ni Blaze habang naglalakad na kami patungo sa kotse n'yang nakaparada sa parking lot.


Sumulyap s'ya saglit sa mga dala dala ko na pawang lahat ay gamit n'ya at damit n'ya.

“Yes, Master.”

Casual na sagot ko. Saglit n'ya akong nilingon na parang naibahan sa sagot ko.

“Nakain mo?” he asked. Siguro ang tinutukoy n'ya ay pagtawag ko ng Master sa kanya.

“Hotdog.” Simpleng sagot ko. “With ham and egg. Yun ang pinakain mo kanina. Makakalimutin ka na ba?”

“Of course not. Naalala ko nga yung gabing—” And interrupted him immediately.

“Akala ko pa naman sanay ka sa make out and flings lang sa mga babae? Mukhang masyado sa'yong big deal ang isang halik, Dalton.” Mapaglaro kong tono na pagkakasabi. “Masyado ba yung memorable sa'yo para ulit ulitin mong alalahanin?”


Nawala bigla ang ngisi sa labi n'ya. Saktong nasa harapan na kami ng kotse n'ya ng salubungin namin ang mata ng isa't isa. Mukhang nagulat s'ya sa sinabi ko.


Ako dapat, Apoy. Ako dapat ang nakakapagpatigil at nakakapagpatameme sa'yo. Kung inaakala mong nakaisa ka na para paulit ulit na ipangasar sa'kin ang bagay na yun, well nagkakamali ka. Hindi ako sanay ng basta basta nagpapatalo lalo na pagdating sa mga bagay na ganito.


“I am your first kiss, Candid.” he announced, flashing his usual smirk on his lips. Akala n'yay mabilis na s'yang nakabawi.

“How sure are you?” taas kilay kong tanong sa kanya. “Zayn is my first love. I forgot some important details about my past because of a certain traumatic experience I had before. Some of memories came back. Some are still vivid.” I meaningfully explained.


Magkaharapan na kami ngayon sa tapat ng kotse sa magkabilang tabi at tapat ng pintuan. Hindi ko alam kung bakit parehas pa kaming hindi pumapasok sa loob. Gayong pwede namang doon na kami sa loob magusap.


Biglang lumamig na ang paraan ng pagkakatitig n'ya dahil sa sinasabi ko.


“Besides, I'm wasted that night. Magulo ang utak ko..” Bumaling ako sa ibang direksyon saglit. “Tama ka nga. Masaya pala gawin yung mga bagay na hindi mo nakasanayan. I enjoyed that night.” Muli akong tumingin sa kanya at binigyan s'ya ng matamis na ngiti kahit hindi n'ya iyon nakikita.

“I kissed you because I was thrilled. I can say that it was a good experience. Sharing with you a one time romantic kiss underwater is a one of a kind.. unforgettable experience.” I brag with full of composure. Na para bang proud na proud a ako sa pagkakasabi.


Saglit na bumuka ang labi n'ya at saka ito parang mapakla na natawa. Saglit na sumulyap sa iba g direksyon bago muli nagsalita.

ELITESWhere stories live. Discover now