Nineteen

2.9K 118 34
                                    

Open Relationship

Mabilis akong humiwalay sa pagtitipon tipon nila sa cottage ng mapansin kong tumatawag sa telepono ko si Mama.

Nang sapat na ang layo ko sa kanila, saka ko lamang ito sinagot.

Nagtungo lang ako sa buhanginan habang malayang napagmamasdan ang kalawakan ng karagatan na nasa harapan ko.

“Yes ma?” bungad ko agad sa kanya sa kabilang linya. Sinisipa sipa ko pa ang buhanginan na tinatapaktapakan ko.

“Nasaan ka? Hindi ka pa ba umuuwi?” himala, mukhang hindi galit si Mama. Ang hinahon lang kasi ng boses.

“Not yet ma. We will stay here until tomorrow morning. Nag-cancel kasi ng class para bukas.” paliwanag ko naman.

Alam naman nya ang lakad ko ngayon. Nagpaalam naman kasi ako ng ayos at sa tulong na rin ni Kurt, nakumbinsi ko si Mama na huwag masyadong magalala dahil kasama naman si Ellie.

“Okay. Kaya lang ako napatawag dahil gusto kitang sabihan ng maaga. Sa susunod na sabado, sasama ka kay Kurt paluwas dito sa Manila.” bigla akong natigilan sa pagsipa sa mga buhanging nasa paanan ko.

Napahigpit bigla ang kapit ko sa teleponong nakatapat sa tainga ko. Hindi agad ako nakaimik. Unti unti akong kinabahan. Hanggang sa ang unit unti ay tuluyan ng naging malakas na kaba.

Nagiging maayos na ang lagay nya. At sa pagkakataong ‘to Candid, hindi ako papayag na hindi ka sasama at magpapakita sa kanya. Sa ayaw mo at sa gusto, pupunta ka. Magtutuloy tuloy ang pagrecover nya kapag lahat tayo nakikita nya. Sana naman huwag mo ako suwayin this time. Dito man lang makabawi ka.

Dahan dahan kong naibaba ang telepono mula sa tainga ko habang napapatulala sa kawalan.

Yung huling sinabi ni Mama bago nya ibaba ang tawag, salita lang yun pero parang patalim na muling sumugat sa naghihilom ko pa lamang na puso.

Wala sa sariling napaupo ako. Yung upong nakabend lang ang mga tuhod ko at hindi tuluyang nakaupo sa buhanginan. Napakapit ako sa sintido ko at napapikit.

Muling nanariwa ang mga boses na naririnig ko sa utak ko. Paulit ulit. Ang sakit sa ulo.

“Yak, huwag nga kayong lalapit sa babaeng yan. Sige kayo, baka mahawa kayo sa sakit ng mga yan.”

“Lahi ng mga baliw. Doon kayo sa mental magaral, hindi kayo nababagay rito.”

Napakapit ako ng mahigpit sa dibdib ko. Naninikip muli ang dibdib ko.

“Akala mo kung sinong tahimik at matino. May patakip takip pa ng mukha. Nasa loob naman pala ang landi, kahit pala sino pinapatos.”

“Yan ang napapala ng malalandi at mukhang pera.”

“Kawawa tuloy si Zayn. Nauto lang ng baliw na yan.”

“Bagay lang sa kanya yang headscarf na yan. Huwag nya na lang tanggalin habang buhay kasi nakakahiya yung mga pinaggagawa nya.”

ELITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon