Twenty One

2.5K 94 3
                                    


Music Club




Ano sa tingin mo Bes?” wala sa sarili lamang akong napatango sa tinatanong ni Ellie. “Ano ba! Kanina ka pa tango ng tango ah? Ano ba kasing problema at nung isang araw ka pa nagkakaganyan?” doon ko lamang sya nagawang sulyapan.


Ano ba kasi yun?” nanlalambot na tanong ko.

Sa dami ng sinabi nya, parang wala namang pumasok sa kokote ko.

Kita mo! Kaya pati ng sinabi kong ililista na kita as member of music club, tumango ka lang. Hindi mo rin alam yun no?” agad akong lumingon sa kanya.

Hindi nga?” hindi makapaniwalang tanong ko.

Lutang na lutang ka kasi. Wala ng bawian yun dahil naipasa ko na lahat ng pangalan nyo. At mamaya din ang first ever grand meeting ng buong club. Kaya sasama sa ayaw at sa gusto mo.” napangiwi naman agad ako sa sinabi nya.


Ano ba kasing gagawin ko dun? Alam mong hindi ako pwede—”

“Actually Bes, matagal na akong may naisip na concept. And believe me, magugustuhan mo. Mahahati naman ang Music Club sa dalawang grupo at wala kang dapat alalahanin, kasi magkagrupo tayo. Let me tell you some important details.” para itong naeexcite na aktong bubulong sa’kin kaya inilapit ko na lang ang tainga ko.




After hearing her deductions, palihim lang akong napangiti. Hindi ako sigurado pero excitement ang nararadaman ko at may kaunting kaba.




Oh di’ba great idea? Alam kong kahit may nakatakip sa bibig mo, napapangiti ka. Just thank me lataah.” may pagkindat pa itong nalalaman.

Eh di ikaw na magaling.”

“Hindi mo ako bestfriend kung hindi.” sabay na lang kaming natawa sa confidence nyang naguumapaw na.

And be ready, kasi two weeks from now yun ang pinakauna nating pagpapakilala sa lahat.”

Anong meron?”

“Acquaintance Party Bes. Hay nako, lutang ka kasi lagi kaya lagi kang huli sa balita.”

“Pero sigurado ka ba Bes? Baka hindi kasi sila pumayag.” sa totoo lang, nagaalinlangan ako sa gusto nyang mangyare.

“Ano ka ba, para saan pa at ako ang naging President. Wala silang magagawa.”


Tumango tango na lang ako kahit hindi ko maiwasang hindi mapaisip sa plano nya.

ELITESWhere stories live. Discover now