Ninety Eight

1.1K 25 18
                                    

°°°°

#ElitesAgony




"Bunso?"


Mabilis akong tumingin sa pintuan dahil sa tawag na 'yon. May pagkailang ngunit malambing na ngumiti si Kurt.



"Kain na tayo ng dinner. Masarap ang hinanda ko ngayon." Tumango lang ako ng marahan.




Napakabihira akong tawagin ni Kurt ng ganoon. Iyon ang paraan n'ya kapag pasimpleng kino-comfort ako kapag alam n'yang down na down ako o masyado akong marami ng iniisip, hindi pa man ako nagsasalita.



Sumunod rin ako agad sa kanya sa dining area. Bahagya akong napangiti ng wala akong hotdog na makita sa mesa.



"Chicken curry." he obviously stated before pulling a chair for me.



Ngumiwi ako sa kanya dahil sa ginawa pero sabay na lang kaming natawa.



Tahimik akong umupo at pinagmasdan ang niluto n'ya. Simula kasi ng lumipat kami dito, sinisikap n'ya magluto na ng iba't ibang putahe maliban sa paborito nyang hotdogs. Habang ako naman ay nagaaral na rin ng iba't ibang luto para hindi yung puro na lang s'ya ang naghahanda. S'ya itong maraming trabaho pero ako pa itong asikasuhin at alagain n'ya.




Napatingin ako sa kanya ng matamaang hindi s'ya kumikilos. Nakatitig pala s'ya sa niluto n'yang ulam pero mukhang hindi doon tumatakbo ang isip n'ya.




Naramdaman n'ya ang pagmamasid ko kaya napaangat na s'ya ng tingin sa'kin. Saglit na umawang ang labi ko ng makitang may nagbabadyang luha sa mga mata nito.




Tatawa tawa s'yang umiwas ng tingin na parang nagkukunwaring ayos lang ang lahat sa kanya. Para siguro kahit papaano ay pagaanin din ang pakiramdam ko.





He's trying so hard to act tough and cool in front of me. Pero ang totoo, hindi pa man din s'ya nagsasalita ay nararamdaman ko na kung ano rin ang nararamdaman n'ya o iniisip n'ya.





Pilit n'yang iniiwas ang mata habang pinagsasandok ako ng kanin sa aking pinggan. Hindi ako kumurap man lang dahil nananatili akong nakatitig lang sa kanyang mukha. Nakikiramdam.





Bahagya pa s'yang suminghot. Hindi ako sanay na makitang ganito si Kurt kaya hindi ko tuloy maiwasang bumigat rin ang loob. Pakiramdam ko tuloy ay maiiyak na rin ako. Hindi nakakatulong ang katahimikan para lalo kong maramdaman ang seryosong hangun sa pagitan naming dalawa. Ang namumuong emosyon na nais lumabas dahil alam naming dalawa na hindi naman natapos iyon kanina sa paguusap namin ni Zandra.



Sunod n'ya akong pinagsandok ng ulam sa maingat na paraan na parang iniiwasan n'yang may matabig o tumulo sa lamesa. Nakatitig lang ako't pinanonood ang mukha n'ya pero hindi pa rin n'ya ako tinitignan. Hanggang sa maglalagay na rin sana s'ya sa kanyang pinggan ng pagkain pero tumigil s'ya at tumungo ng bahagya. Nakapatong lang sa gilid ng mesa ang parehas n'yang mga siko. Tila hindi na kayang pigilin ang nararamdaman at ang magsalita.



Mahinang tumaas at bumaba ang balikat n'ya. Pasimpleng pinunasan ang kanyang dulo ng ilong. Pilit na pinipigil ang emosyong lumilingap sa sarili. Nahihirapan s'yang i-take ang kung ano mang nararamdaman ngayon.



"Kung hindi lang naging kapatid ko ang may gawa, baka nakapatay na 'ko kanina."



Nanatili s'yang nakatungo at muling gumalaw ang balikat n'ya. Dumapo ang isa n'yang kamay at kumapit sa kanyang sintido habang nakatungo. Pinipilit itago sa'kin ang mga luhang kanina pa sa kanya tumutulo.



ELITESWhere stories live. Discover now