Nine

3.2K 137 21
                                    

EDITED VERSION

°°°
#ElitesMG




Kanina pa tumatagaktak ang pawis ko dahil sa pabalikbalik sa HFA Mall. Maya't maya ba naman sila pabili ng pabili ng kung ano anong pagkain habang nagmemeeting sila. Halos lahat silang buong student council ay nagpapabili sa'kin ng kung ano ano.



They were so entertained sa ginagawa nilang pagalila sa’kin. I didn't except that Dwayne and Zayn will stand for me earlier. Dwayne even said; “She's our assistant Blaze. Not a maid na pwede mong ipaalila..” And Zayn, kahit maypagkag*go rin ang isang iyon, sinabi nya talaga na “Babae pa rin si Candid Blaze. You should know how to respect her and her rights.”


Aaminin ko, tinignan ko rin ng mga oras na yun si Axle. Pero umiiling iling lang sya. Hindi sa inaasahan kong ipagtatanggol nya rin ako, ang labo lang kasi ng utak nya. The last time na nakausap ko sya sa Manila noong tour, ibang iba nya ako i-approach. O baka dahil kapag wala lang sa paligid ang mga Elites at trip nya lang talaga ako that time?




Sumali pa nga si Yuri na inutusan ako ng inutusang magpunta kung saan saan. Kung tutuusin, sya ang nakarami ng utos sa kanilang lahat. Bale silang dalawa ni Blaze, pinagkakaisahan nila akong dalawa. Kung naroon lang sana si Kurt kanina, baka kahit papaano ay hindi nila nagawa iyon. Dahil kahit naman sinusunod ko sila, alam ko sa sarili kong may karapatan ako at mali ang ginagawa nila. Pwede ko silang isumbong sa guidance office pero hindi ko magawa at hindi ko gagawin. Alam ko namang madali lang mamamanipula ni Blaze ang lahat. Kaya kahit anong gawin ko ay wala akong magiging laban.




“Kalma Bes, kanina ka pa nanggigigil dyaan sa kinakain mo.” puna sa akin ni Ellie.



Dito sa mundong pinasok ko, si Blaze lang ang naghahari. Sya ang nasusunod sa lahat. Sya ang may kontrol sa lahat. Kapag sinuway ko ang kahit na maliit na utos nya, paniguradong hindi nya ito palalagpasin. He'll do everything to ruin me, slowly. Ganun s'ya ka- manipulative. Ganun kalalim ang galit n'ya sa'kin.




Ilang saglit lang ang nakalipas ay bahagyang nanahimik ang buong Cafeteria. Sa mga ganitong pagkakataon na biglang bumabanayad at tumatahimik ang paligid, ibigsabihin may paparating na delubyo. Hindi nga ako nagkamali ng sabay sabay nagsipasukan sa Cafeteria ang mga Elites.




Hindi nila kasama si Zayn at Sham dahil iba naman ang section nito. Tanging si Yuri, yung buntot nyang si Janna at sila Blaze,Trust,Axle at Dwayne na ang magkakasama. Sila naman kasi ang required talaga na laging magkasama around dito sa HFA dahil nasa iisang section sila.




Sa kahit na anong paraan, pinilit kong itungo ang ulo ko para hindi nila ako makita. Pero may sa kwago ata talaga itong si Blaze at nahagilap talaga ako ng mata nyang matatalim na namang nakatutok sa pwesto ko.





“Bes, basta yung bilin ko. Don't try to mess with that girl, Yuri. She can ruin your life here. Mas dapat mo syang iwasang asarin o galitin kaysa kay Blaze.” Nagaalalang paalala ni Ellie sa’kin habang nasa mga Elites din ang tingin nya.


Yuri Faith Gamboa Hyun.




Buong pangalan pa lang, sumisigaw na ang authority. Anak lang naman siya ni Mr. and Mrs. Hyun na nagmamayari ng buong HFA. Masyado silang maipluwensya sa lahat ng aspeto ng business corporate. Malawak ang sakop nila at hindi basta basta ang pangalang nabuo nila sa business industry kahit sa ilang ibang bansa. Marami silang foundation na hinahawakan. Mga establishment, buildings at mga factory na sa kanila nakapangalan. Masyadong maraming sanga ang kayaman nila na kulang na lang ay halos lahat ng aspeto ng negosyo ay pagmamayari na nila. Hindi sa pagmamalabis, pero isa na talaga sila sa mga pinakamayayaman at makapangyarihang pamilya sa buong Asia.




ELITESWhere stories live. Discover now