Eighteen

3.2K 129 42
                                    

Suddenly

Kasalukuyang hindi pa ako lumabas ng kwarto. Pinauna ko muna silang lahat na makaalis at pumunta sa kanikanilang gagawing activity at pamamasyal. Hindi naman kasi ako sumama. Hindi naman din ako pwedeng magswimming. Lalong lalong hindi ako mahilig sa mga extreme activities at sa surfing. Ganun ako ka-kill joy.

Hindi naman ako sumama sa out of town trip na ito para makihalubilo talaga sila. Sumama ako just for the nature viewing. Gustong gusto ko lang ang kasi ulit mga makasimoy ng sariwang hangin ng kalikasan kahit na pati karagatan at kahit na ultimo kabundukan. Weird pakinggan pero hindi ko talaga kayang kahit isang beses sa isang buwan eh hindi magpunta sa mga ganitong lugar.

Sobra kasi akong napapanatag kapag ginagawa ko yun. Yung mga pasaning iniisip ko, bahagyang nababawasan kapag nagne-nature trip or viewing ako. Kahit lagi akong magisa gawin yun.

Pero syempre, hindi naman ako tatanggi. Hindi lang naman yun talaga ang dahilan ko kung bakit hinantay ko silang magalisan. Ayaw ko rin kasing makita yung hari ng mga unggoy.

Bwiset kasi sya. Kagwapong nilalang, manyak.

Imbis na sya ang mahiya, ako pa itong walang mukhang maiharap sa kanya. Iwas na iwas akong makita sya. Pakiramdam ko pag makikita ko ulit sya, maaalala ko na naman yung ginawa at pinagsasabi nya sa’kin kagabi.

Ga-maleta tuloy ngayon ang eyebags ko.

Subukan nya lang talagang lumapit ulit at gawin yun sa’kin, may paglalagyan na sya sa’kin. Nakadalawa na sya at sisiguraduhin ko talagang hindi na sya makakatatlo. Wow, assuming na may susunod Te?

Aba, sinong hindi magiisip na baka gawin nya ulit? Si Axle itong babaero pero si Blaze naman pala tong may lihim na landi sa katawan. At ako pa talaga ang napagtripan!

Lumabas na ako ng kwarto na naguunat una pa ang mga braso. Pakiramdam ko kasi inaantok pa rin ako. Masakit din ang ulo ko kaiisip kung ano ba ang dapat kong gawin ngayong nakita na pala ni Blaze ang mukha ko. Pero .. may dapat ba talagang gawin?

Aist! Ewan ko ah! Sumasakit lalo ang ulo ko. Una ng dahil sa lintek na paghalik nya na obvious namang trip nya lang. Tapos ngayon naman yung tungkol sa malaking sekretong itinatago ko na ngayon eh alam na nya. Alam kong hindi naman nya sasabihin sa iba dahil sa sinabi nya kagabi na sya lang daw ang pwede ulit makakita.

Peste sya. Asa naman!

Anong karapatan nyang ipagdamot yun? Eh kahit nga sa kanya mismo hindi ko naman talaga intensyong ipakita eh. So feeling ba nya espesyal na sya? Ganun?

“Agang aga busangot yang mukha mo.” halos mapaiktad ako ng may biglang magsalita. Si Dwayne.

“Anong ginagawa mo rito?” takang tanong ko.


Malapad lang syang ngumiti habang may dala dalang mangkok at plato na naglalaman ng ibat ibang slices ng gulay. Mukhang nagluluto sya at patungo sya sa kusina.

Iisang lounge lang naman kasi ang tinutuluyan naming lahat. Pero syempre, bukod ang kwarto ng lalaki at babae. Kaya ganun na lang ang iwas kong lumabas agad kanina para hindi ko makita si Blaze.

ELITESWhere stories live. Discover now